Gawin Daw Bang Palaruan Ang 117

by Sankage Steno

Ano pakiramdam nu’ng may tumawag sa ‘yo tapos wrong number pala? E ano naman ang pakiramdam kapag ‘yung tumawag sa ‘yo e sinabing nanalo ka raw ng isang milyong piso tapos hinihingan ka ng personal details at pera? Siguro naman walang matutuwa sa kahit anong sitwasyon na ‘to, di ba?

I-multiply natin ‘yung ganyang pakiramdam sa 2 million. Just imagine kung ga’no kasakit sa ulo at sa dibdib ‘yung maging hanapbuhay mo na ang tumanggap ng prank calls. Mapapamura ka na lang in all languages and dialects that you know.

Ganyan lang naman ang nangyari sa sariling version natin ng 911, ang Patrol 117.

Sabi sa balita, mahigit 2 million ang natanggap na lokohang tawag ng gobyerno noong 2012. Kawawa naman ‘yung operator nu’ng hotline na ‘yun. Biruin mo, sa isang araw, kulang 5,500 na prank calls ang natatanggap ng mga operators. Kung sabihin man nating 16 lahat ng tagatanggap ng tawag, lalabas na sa isang araw e kulang 350 ang mga pekeng tawag na natatanggap nila. Andami nu’n!

Dito naman masarap batukan ang mga gagong Pinoy na pinaglalaruan ang Patrol 117.

Pa’no nga naman ba magagawa ng operators ang kanilang trabaho nang maayos kung ganito karami ang mga bwisit araw-araw? For sure may fault din naman sa sistema o sa kagamitan ng Patrol 117, pero kung sana e disiplinado ang lahat ng gumagamit ng linyang ‘to, malaking tulong sana para mapababa ang bilang ng krimen sa buong Metro Manila.

Sayang lang ang halos P20-million budget ng ahensyang ‘to kung hindi naman pala nagagamit para gawing mapayapa ang kabisera ng bansa. Kung hindi maaayos ang sistema para ma-filter ang mga prank calls at kung hindi rin naman mahuhuli at mapaparusahan ‘yung mga loko-lokong tumatawag sa 117, mabuti pa sigurong alisin na lang ang hotline na ‘to at palitan ng isang superhero na katulad ni Batman.

Better yet, ‘yung number na lang sa link na ‘to ang tawagan nila para masarapan pa sila.

Image