Ang Sagot sa Mabahong Hininga

by Sankage Steno

May natutunan na naman akong bago ngayong araw.

May na-interview kasi akong isang scientist/doctor na nag-specialize sa mouth. Nalaman ko na kaya pala mabaho ang hininga sa umaga e dahil sa kakulangan ng oxygen. Kapag natutulog ka kasi, hindi masyadong nakakapag-circulate ang oxygen sa bibig mo, e ‘yung oxygen pa man din ang pumapatay sa bad bacteria na sanhi ng mabahong hininga.

Nalaman ko rin na pwede kang magsepilyo kahit walang toothpaste. Halos same effect lang din sa kalinisan ng ngipin mo. Mechanical lang daw kasi talaga ang paglilinis ng ngipin. Ang nagagawa lang ng toothpaste e lubricant o pampadulas para hindi mapudpod ang ngipin at hindi mo kailanganin agad ang Sensodyne.

Hindi rin daw talaga kailangan ng ngipin ang fluoride dahil, kung tutuusin, masama ito sa katawan. Pinapatigas lang daw nito pansamantala ang ngipin para hindi pasukin ng cavity, pero in the long run, bad bacteria pa rin daw talaga ang sisira ng ngipin at gums mo.

Sabi pa ng scientist, ang fluoride daw, kapag nalunok o nainom, pwedeng maging sanhi ng low IQ sa mga bata at dementia naman sa matatanda.

Kung gusto mo raw talaga ng malinis na bibig, dapat daw e mag-mouthwash para mapatay ang bacteria. However, hindi rin daw dapat alcohol-based mouthwash ang gamitin. Kapag kasi alcohol-based, pinapatay nito pati ang good bacteria sa bibig. ‘Yung mga bad bacteria naman na mas matatalino, nanunuot sa mga uki at crevices sa loob ng bibig at du’n nananalagi.

Dahil malalaki ang molecules ng alchohol, kahit ilang mouthwash pa ang gamitin mo, hindi nito maaabot ang bad bacteria sa pinagtataguan nito. Ang masama pa, papatayin nito ang good bacteria na pumoprotekta sa ating katawan, which can lead diumano sa iba pang komplikasyon tulad ng gingivitis, meningitis, pneumonia, diabetes, etc.

Pinakamabisa pa rin daw na pamatay ng bad bacteria ang oxygen dahil mas maliliit ang molecules nito at nakakapasok sa crevices sa loob ng bibig. Hindi rin nito pinapatay ang good bacteria sa katawan. Tinatarget lang nito ‘yung mga bad bacteria.

At  pinakaeffective daw na gamiting mouthwash o oral rinse o toothpaste e ‘yung may ClO2 o Chlorine Dioxide, preferably ‘yung stabilized form para odorless, tasteless at colorless. Karamihan ng ClO2-based oral products e nasa developed countries, pero itong Pinoy scientist na nakausap ko e nagdi-distribute na rin dito sa Pilipinas.

Basta kapag pupunta ka sa dentista o bibili ng gamit sa bibig, make sure na ‘yung gagamitin mo e hindi alcohol-based bagkus e ClO2-based. Mababasa mo naman ‘yun sa label, kaya matuto kang magbasa kapag namimili.