The Best of Philippine TV

by Sankage Steno

Hindi ako mahilig manood ng TV, pero enjoy ako kapag nakakanood ng mga pangyayaring di kasama sa script o ‘yun bang hindi planado. Gaya na lamang ng pagdagsa ng tae ni Jiggy Manicad. Laugh trip ‘yan. Gusto kong mag-facepalm para sa kanya, sa totoo lang.

Pero alam mo naman sigurong hindi lang ‘yan ang epic fail ni Jiggy. Nauna na ang pagkahulog ng ilog sa bata (Ano daw?) at ‘yung labing-libo (Watch it at 1:23). Huwag lang nating kalimutan na bago si Jiggy, ang may hawak ng trono sa GMA sa pagsasabi ng walang sense ay si Michael Fajatin.

Remember this Saksi episode?

Kung akala naman ninyong mga field reporter lang ang nagkakaganyan, nagkakamali kayo. For sure naman ilang beses na ninyong napakinggan ang “Excuse me po!” ni Mike Enriquez. Eto pa o, double blooper, mga nakasabit daw. Last na ‘to for Mike, pramis.

Let’s not gang up on Mike. Kahit ‘yung partner n’yang si Mel Tiangco, may laugh trip din, pero nakapagsalita pa rin s’ya, in fairness. Hindi tulad ni Korina Sanchez na hindi kinaya ang hamon! Eto namang si Noli de Castro, sa halip na tulungan, nang-asar pa-hihihi! Kala mo kung sinong perfect. S’ya rin naman may katatawanang ginawa.

All right, alis na tayo sa news. Nakakahiya na masyado. Punta naman tayo sa mga singers natin. Umpisahan natin sa Asia’s Nightingale Lani Misalucha na hindi yata kinaya ng vocal cords ang ilang retoke sa kanyang mukha. Oops, sorry naman. Amperfect ko kasi e.

Kung napansin n’yo sa video ni Lani, ilang beses nabulol si Sarah Geronimo, at nakuha pa n’yang pagtawanan si Lani nang pumiyok sa pagsubok mag-whistle voice. I-judge kaya natin s’ya sa pagkanta ng song ni Lani na Bukas na Lang Kita Mamahalin. Hindi rin naman n’ya kinaya.

At dito naman sa panggagaya ng Dream Girls, parang may sapi si Sarah. G. Although hindi naman s’ya pumiyok. Medyo ngongo lang.

Mapapamura ka na lang talaga minsan sa mga bloopers na ‘to. Tama ba ‘ko, Claudine Barretto? Kung di ka man mapamura, baka naman malaglagan ka ng pustiso. Di ba, Allan K? Mabuti na ‘yung pustiso ang mahulog kesa naman bra o saplot sa katawan. Am I right, Marian Rivera and Anne Curtis?

Salamat sa YouTube at pwede nang ulit-ulitin ang ganitong mga eksena. Or not. Baka makarma ako. ‘Wag naman sana. Ang hirap talaga kapag TV personality ka. Dapat laging perfect ang galaw.