5 Things Not-So-Successful People Do Before 8 AM

by Sankage Steno

Medyo na-bad trip lang ako sa nabasa kong article sa Huffington Post kasi wala yata ni isa du’n ang talagang ginagawa ko bago mag-alas otso ng umaga. Dahil d’yan, gagawa rin ako ng sariling listahan para naman hindi ako masyadong mabwisit sa mga nababasa ko sa Internet.

Note: Mas okay kung babasahin mo muna ‘yung nasa link para mas maka-relate ka.

Ngayon, alamin natin kung ano ang mga ginagawa ng mga pangkaraniwang tao (e.g., working class) bago mag-8 am.

1. Magpainin sa Kama. Seriously, sino ba ang gumagawa na pagkagising sa umaga, tatalon, magpu-push up at talagang magbabanat ng buto? Kung isa kang tao na mahilig mag-exercise paggising pa lang sa umaga, saludo ako sa ‘yo. Sana talaga humaba buhay mo. Para naman sa nakararami, mas masarap talagang tumunganga muna o magbabad ng kaunti pang minuto sa higaan. Is that too much to ask?

2. Maligo. Palibhasa kasi wala sa kultura ng ibang bansa ang maligo araw-araw. Sorry na lang sa ‘ting mga Pinoy. Dahil nauubos ang ilang minuto natin sa umaga sa paliligo at paggayak, nawawalan na tayo ng panahon para maghanda ng masustansyang almusal o mag-exercise. Is that really a problem?

3. Maipit sa Traffic. Kahit bus pa ‘yan o jeep o tren, sigurado akong magtatagal ka muna sa byahe bago ka makarating sa trabaho mo. Imposible namang mag-yoga sa loob ng sasakyan o kaya naman e kumain ng healthy breakfast. Pwede sigurong mag-exercise ng ulo o balikat, pero wala namang masyadong effect ‘yun. So kasalanan mo pa bang araw-araw kang naiipit sa matinding trapik? Susme.

4. Isipin ang Problema. Dahil wala ka namang ibang gagawin sa pampasaherong sasakyan, mag-isip ka na lang ng mga alalahanin mo sa buhay. Hindi naman masamang gawin ‘yun kasi ibig sabihin, naghahanap ka rin ng solusyon. Ngayon, kung di mabisa sa ‘yo ang isipin ang problema, e di isipin mo na lang ang crush mo o kung kelan ang susunod na sweldo.

5. Dumiskarte. Anong gagawin mo para di mapagalitan ng boss mo? Anong gagawin mo para hindi maabutan ng red light sa pagtawid? Anong gagawin mo para hindi ka matabunan ng trabaho? Anong gagawin mo para hindi madukutan ng cellphone o pera? Anong gagawin mo para mapagkasya pa ang natitira mong sweldo? Para-paraan din.