Pamaskong Regalo for P100 and Below

by Sankage Steno

Kaninang umaga pa ‘ko nakikinig ng mga kantang pamasko para kako ma-inspire ako sa pag-iisip ng ireregalo sa mga mahal ko sa buhay. At dahil limitado lang ang budget ko, syempre ‘yung mga mura pero maganda lang ang balak kong bilhin.

Marami akong reregaluhan sa Pasko ng cash na lang, pero iba pa rin kung nakabalot na bagay na, kahit papa’no e, pinaghirapan mong hanapin. Ito ang ilan sa mga regalong naisip kong murang-mura lang at pwede sa mga loved ones natin, pati na rin sa mga not-so-important people in our lives.

Sa halagang P100 o mas mababa pa pwede mong bigyan si…

  • Papa – ng isang maganda-gandang lighter. Kung hindi naman s’ya smoker or kung gusto mo na s’yang tumigil, iba na lang. Pwede mo s’yang regaluhan ng utility knife o ‘yung parang swiss knife na hindi branded.
  • Mama – ng apron na may makulay na disenyo. Kung hindi naman taong kusina ang nanay mo, bigyan mo na lang s’ya ng travel pillow. May mura nu’n, pramis. Kung wala kang mahanap, spa oil kaya?
  • Kuya – ng cool earphones na may iba’t ibang character and designs. Kung hindi s’ya mahilig sa music, regaluhan mo s’ya ng white shirtpambahay. Siguro naman di ka bibili ng signature na pambahay, di ba?
  • Ate – ng earrings na pearl o dangling. Maraming mura nu’n na hindi mukhang mumurahin. Kung ayaw mo nu’n, pwede mo rin i-try ‘yung cute o magandang journal/diary. Di rin masama ang nail polish.
  • Bunso – ng laruan, of course. Maraming P99.75 na dolls o tau-tauhan sa malls at Divisoria. Kung too old na s’ya for toys, bigyan mo na lang ng card sa Game Zone o Timezone.
  • Lolo at Lola – ng Daily Bread na book. Kung di sila Christian o religious, I suggest na bilhan mo sila ng scarf o shawl na cotton at polyester para mura. Kung walang mura, magregalo ka na lang ng garden tools.
  • Tito at Tita – ng chocolate. Pwede ang Toblerone o Cadbury. Sigurado namang pasok sa P100 ‘yung mga ‘yun. Pero kung diabetic sila, regaluhan mo na lang ng magandang mug o set of hankies.
  • Best Friend – ng personalized necklace o bracelet o baller. Kung di s’ya mahilig sa ganu’n, bigyan mo s’ya ng CD compilation ng favorite songs n’ya which you can download for free o for a minimum cost.
  • Others – ng pagkain. You can never go wrong with food. Regaluhan mo sila ng very affordable pero sobrang sarap na cupcakes o kahit anong home-made goodies. Kung ayaw mo ng something edible, give them pens.

As for yourself, ‘wag ka na mag-abala. Sapat na ‘yung naalala mong magbigay sa ibang tao kahit sa Pasko lang. It’s better to give than to receive pa rin. Agree?