Tanga ka rin ba?

by Sankage Steno

Tama si Miriam Defensor Santiago sa sinabi n’ya kahapon ukol sa medical mission na isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Maynila. Ayon sa kanyang statement,

There is a message behind the INC event today. If you are a politician and you don’t get it, you are a fool!

Kung hindi mo nakuha ang “hidden message” ng INC kahapon, e di tanga ka rin. Kung ayaw mong maging tanga, ituloy mo lang ang pagbabasa, at tutulungan kitang maintindihan ang pangyayari. That way, mababawasan ng tanga sa Pilipinas.

Taun-taon daw ginagawa ito ng INC para matulungan ang mga kapuspalad na Pilipino. Ang ganda sa pandinig ‘no? Wrong! Kung gusto talaga nilang tumulong, huwag ‘yung one-time, big-time na ganyan. Magpatayo dapat sila ng ospital na katulad ng sa PGH, mura at tinatanggap lahat. Hindi ‘yung dambuhalang coliseum sa may NLEX ang pinagkakagastusan nila.

Sa ginawa nilang pagtulong kahapon, lalo lang nilang pinaigting ang “dependence culture” ng mga mahihirap na Pilipino sa mga maykaya. Typical ‘to sa mga feudal at third world nations. Papakainin kita ngayong araw, pero susundin mo ‘ko buong buhay mo.

Naalala ko tuloy ‘to bigla: “Give a man a fish he eats for a day; teach a man to fish he eats for a lifetime.”

Anyway, ano nga ba ang ibig sabihin ng ginawa kahapon ng INC? Ayon sa Malacanang na nagdeklara pa talaga ng no classes sa Metro Manila, what you see is what you get. It’s a simple medical mission. Sabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte,

At this point, we have no reason to believe otherwise than the purpose for which it is being stated that it is a medical and dental mission.

Ang masasabi ko lang, “Utot mo!”

Alam ko namang nagpapabango lang ang Malacanang sa INC. Bakit? Kasi bloc voting itong grupong ‘to. Kung ano sabihin ng lider nila, susundin nila na parang mga turuang tuta. Ganu’n sila kahibang. Kaya ganu’n na lamang sila ligawan ng mga pulitiko kapag eleksyon. E ikaw ba naman ang may ilang milyong member/voters, di ba?

Timely rin naman ang pagsipsip ng administrasyon sa grupong ‘to kasi bumaba ang approval rating ni PNoy sa latest SWS survey nitong Setyembre. 68 percent ang satisfied at 19 percent naman ang hindi, with a net rating of +49 o “good” mula sa dating “very good” rating n’ya which was 64 percent noong June.

Ang pagbaba ng kanyang score e dahil sa pork barrel scam, sa DAP at sa nangyaring panggugulo ng MNLF sa Zamboanga City. So, siguro, kaya nag-declare ng holiday kahapon e para magpaganda ng imahe sa mga miyembro ng INC. Logical namang isipin ‘yun, tama ba?

Maimpluwensya rin ang INC sa pang-araw-araw na takbo ng pulitika sa bansa. Marami kasi silang miyembro na humahawak ng mahahalagang posisyon sa gobyerno. Kaya mahirap din silang makabangga. May posisyon na nga, may pera pa… na galing sa “tithe” ng mga miyembro nila.

Sa ibang blog ko na lang babatikusin ang tithe na ‘yan kasi kahit naman ‘yung ibang sekta may ganyan.

Sa nangyari kahapon, malinaw pa sa sikat ng araw matapos ang bagyong Santi na pagpapakita ito ng puwersa mula sa INC. Ginawa na nila ito before at ginawa na naman kahapon. Parang sinasabi nila na, “Ganito kami karami at ganito rin karami ang voters sa aming panig. Kung di n’yo kami papakinggan at susundin, magsisisi kayo sa eleksyon.”

Kelan nga ulit ang barangay election?