Sobrang Swapang Sila

by Sankage Steno

Iyan na ang bagong ibig sabihin ng SSS. Akalain mo ba namang tumanggap ng P1 million ang bawat executive ng ahensyang ito para raw sa maganda nilang performance noong 2012.

Well, magandang performance is relative. Siguro nga na-meet nila ‘yung target nila, pero hindi pa rin ‘yun sapat para sabihing na-meet na nila ang international standard at kung marami ngang miyembro ang natulungan nila.

Kung tutuusin, ang buhay ng isang pension fund ay dapat nasa “perpetuity” level. Ibig sabihin, kaya dapat bayaran ng SSS ang liabilities nito for 70 years or more. Hulaan mo kung ilang taon lang ang kaya nilang bayaran.

Wala pa sa kalahati.

Ang covered lang ng SSS ngayon e 26 years o hanggang 2039.

Subukan mo ring magtanong sa mga members nito kung ga’no kadali maglakad ng papel para sa benepisyo at pautang dito sa ahensya ng mga swapang. Walang magsasabing madali dahil bukod sa sobrang haba ng pila, napakarami ring hinihinging requirements. Idagdag mo pa ang mga tamad at masusungit na empleyado nila.

Kahit saang ahensya ng gobyerno ka yata magpunta, ganito mga tao. Bakit kaya? E sigurado namang sapat ang sweldo nila at stable ang kanilang trabaho. Kung ikukumpara sa call center, alam ko mas malaki ang starting pay kapag sa government office ka nagtrabaho. So anong pinagsusungit at kinatatamaran nila?

Palibhasa hindi nila naiintindihan na ‘yung pinapasuweldo sa kanila e galing sa bulsa ng publikong talagang amo nila. Galing sa buwis ang sahod nila kaya hindi dapat sila magmaganda.

Napakaiikli ng pasensya. Kung ayaw nila sa trabaho nila, humanap sila ng iba. Parang ganito lang ‘yan e, bakit ka magdodoktor kung di ka makatagal sa dugo? Bakit ka magtuturo sa paaralan kung galit ka sa mga bata? Bakit ka magtatrabaho sa gobyerno kung hindi mo gustong tumulong sa publiko?

Engot much.

Kung ‘yung bonus na pinamigay ng SSS sa mga bosses nito e idinagdag na lang sa pondo nila, baka tumaas-taas pa ang liabilities na ma-cover nila. Sa laki ng sweldo nila buwan-buwan, hindi naman nila siguro kailangan ng P1 milyong bonus. Tapos ang lakas ng loob pa nilang magdagdag ng premium next year?

From 10.4 percent kasi na kinakaltas sa sweldo ng isang empleyado, gagawin na itong 11 percent. Ibig sabihin, lalong liliit ang kikitain ng maraming Pilipino habang lalo raw lalaki ang pondo ng SSS. Sigurado rin akong lalaki pa lalo ang bonus ng mga sugapa rito. Hindi ko naman masabi kung gaganda nga ang serbisyo nila at babait na ‘yung mga masusungit nilang empleyado.

Kay kikinis kasi ng balat e.

Nga pala, hindi nag-iisa ang SSS sa pagpapamudmod ng bonus sa sarili nila. Isama mo pa ang naghihingalong PhilHealth at ang 19 pang government-owned and -controlled corporations. Lahat sila ay inaprubahan na ang pagbibigay ng bilyun-bilyong bonus para sa sarili.

Ang kakapal lang talaga ng mukha. Hanggang dito sa monitor nasasalat ko.

Advertisements