Takutin Mo Ako

by Sankage Steno

After kong mapanood ang The ConjuringThe Shining, The Exorcist, The Ring, The Exorcism of Emily Rose at kung anu-ano pang The [Insert Inconspicuous Noun Here]; after kong mapakinggan ang mga nakakatakot na kwento ng mga kakilala at kapamilya kong bukas ang third eye; at matapos kong mabasa ang mga nakakatakot na kwento sa libro at sa Internet, masasabi kong wala na yata akong kinatatakutan.

Yata.

At dahil nalalapit na ulit ang araw ng mga patay at mga kaluluwa, gusto ko na namang makabasa ng mga nakakatakot na kwento na, preferably, nangyari sa totoong buhay.

Gusto ko sanang i-engage ang mga readers ko ngayon. Kung may kwento kayong nakakatakot, isulat n’yo lang sa comment box ng blog na ito. Again, sana ay mula sa totoong buhay. Hindi naman kinakailangang sa ‘yo nangyari, kahit narinig mo lang o naikwento sa ‘yo, okay lang.

Hindi rin mahalaga kung ga’no kahaba. Kahit maikli lang, pwede na. Halimbawa: Habang nakatitig lang sa salamin, biglang ngumiti ang sarili kong repleksyon.

Isang sentence lang ‘yan pero medyo nakakatakot na. Okay din naman ang mahabang kwento, tulad na lang ng blog kong may pamagat na Walpurgisnacht. Mahaba ‘yan at, para sa ilan, nakakatakot. Gusto ko rin naman ng ganyang istorya. So it doesn’t matter sa akin kung ga’no kaikli o kahaba s’ya.

Ano naman ang mapapala mo kung ikukwento mo sa ‘kin ang mga alam mong nakakatakot na pangyayari? Eto: Ang kwentong talagang magpapatindig ng aking balahibo at hindi magpapatulog sa akin ay magkakamit ng gantimpala. Ang gantimpala:

One-night stay with full breakfast for two sa Ascott Makati.

Ayaw mo pa? Tatakutin mo lang ako tapos makakapag-stay ka na overnight sa isang sosyal na lugar. May libreng pagkain pa. Sa’n ka pa?

Uulitin ko, isulat sa comment box ang nakakatakot mong kwento. Kung matatakot mo ako, ikaw ang magwawagi ng gantimpala. Kahit ilang entries, pwede. Ang deadline sa pagsusulat ng mga nakakatakot na kwento ay sa ika-31 ng Oktubre, Huwebes, 11:59 p.m. Sasabihin ko ang resulta sa ika-4 ng Nobyembre, Lunes.

Caveat: Kung walang kwentong magpapakilabot sa akin, pwedeng wala ring manalo. Pero kung marami ang sasali at malilibang ako sa mga kwento, pipili ako ng isa kahit hindi masyadong nakakatakot. Ako lang ang magdedesisyon sa pwedeng manalo.

Ano pang hinihintay mo? Takutin mo na ako, dali.