How to Deal with Bloggers

by Sankage Steno

Maghapon akong nasa 1st Restaurant Digital Marketing Conference kahapon kaya di ko nakuhang makapag-blog. Boring s’ya pero andami ko namang napulot. Ibabahagi ko sa inyo ngayon ang ilan sa mga natutunan ko.

Ang ishe-share ko ngayon e malaking tulong sa mga nagnanais gumamit ng blog o bloggers para mapataas ang kanilang sales o makilala ang kanilang brand, produkto o services. Pwede rin namang gamitin ‘to sa mga kaaway mong blogger. In other words, pwede mong gamitin sa ‘kin ang ituturo ko sa ‘yo.

Good luck.

Blogger Relations 101:

1. Do the proper research. Kung gusto mong magawan ka ng magandang review sa isang blog, piliin mo kung sino ang blogger na gusto mong magsulat for you. Hindi lahat ng bibigyan mo ng libre e bibigyan ka rin ng magandang review. Asa ka pa.

2. State your purpose clearly. Kapag may napili ka nang blogger, sabihin mo talaga kung ano ang dahilan mo sa pagpapa-blog. Gusto mo bang sumikat? Gusto mo bang tumaas ang sales? Gusto mo ba ng magandang review? Honesty is the best policy pa rin.

3. Set expectations. Related sa No. 2, dapat malinaw din sa ‘yo kung ano ang inaasahan mong mangyari sa blog na lalabas tungkol sa ino-offer mong produkto o serbisyo. Alam na alam mo dapat ‘yan sa sarili mo.

4. Let the product/service speak for itself. Kahit di mo sabihin minsan, maiintindihan na ng blogger ‘yun basta ba maganda, high quality at the best ang produkto mo. Kung masarap talaga, sasabihin at sasabihin ng blogger na masarap s’ya. Remember, the best defense is a good offense.

5. Ask for honest feedback. Tandaan, customer din ang mga blogger. Alam nila kung ano ang gusto o ayaw nila sa isang produkto. E ano kung masama ang feedback? At least alam mo na kung saan ka dapat mag-improve para lalong mapaganda ang ‘yong binebenta o inaalok.

6. Be ready for the brutal truth. Hindi mo makokontrol ang gustong sabihin ng blogger minsan, kahit pa ibigay mo ang produkto at serbisyo mo nang libre. The truth hurts madalas, so deal with it.

7. Monitor. Monitor. Monitor. Lagi kang mag-check online kung lumabas na ba ‘yung blog, kung may nag-tweet na, kung may nag-like o kung may nag-share. Alamin mo rin ‘yung comments ng mga tao sa blog. Knowledge is power, and knowledge comes from information most of the time.

8. Acknowledge. Kahit masama ang sinulat ng blogger sa ‘yo, acknowledge mo pa rin. Mag-email ka o mag-text para sabihing nabasa mo na ‘yung ginawa n’ya. Magpasalamat ka rin sa time and effort na ibinahagi n’ya. And don’t be bitter. Dapat sincere. Kapag bitter ka, mase-sense ng blogger ‘yun at baka resbakan ka pa lalo.

9. Learn to move on. Alam mo na, walang mangyayari kung magmumukmok ka lang. Laban kung laban. Improve your product or service. Gamitin mo ‘yung bago mong nalaman para mas maging mahusay, hindi para maghiganti sa blogger.

10. Wash. Rinse. Repeat. Sa mas mahabang pananalita, if at first you don’t succeed, try and try again. Or, sa pananalita ni Brian McKnight, “then I start back at one.”