Para sa mga Maagang Lumandi

by Sankage Steno

Galing ako sa isang press conference tungkol sa report about early pregnancy. Sabi du’n, nasa mahigit 7 million daw ang babaeng 18 years old pababa ang nanganganak taun-taon, at karamihan nito ay nasa Third World Countries gaya ng pinakamamahal kong Pilipinas.

Magbabahagi lang ako ng kaunting impormasyon, hindi lahat. Sa akin lang ‘yon at wala akong balak i-share sa iyo. Pasalamat ka nga at may gana akong magbigay kahit konti. Ililista ko lang dito ‘yung mga dahilan kung bakit maraming batang babae ang nabubuntis nang maaga.

Si Dr. Michael Tan ng UP College of Social Sciences and Philosophy ang nagbigay ng ilang mga dahilan, using the Filipino context. Ayon sa kanya, ang sanhi raw ng maraming early pregnancies sa bansa ay:

  • National Level – kulang daw sa batas na nagpoprotekta sa mga bata at nagtuturo ng tama tungkol sa sekswalidad. In short, hindi pa kasi naisasabatas talaga ang RH Law. Nakabinbin pa rin sa Supreme Court hanggang ngayon.
  • Local Government – kulang o wala talagang suporta para sa mga ligtas na lugar na magbibigay ng sexuality education and services. Wala ring maternal services para sa teenagers at walang family planning na tinuturo.
  • School, Work Places and Communities – again, walang nagtuturo about sa “safe and satisfying sex” na pinapalala pa ng diskriminasyon sa mga babae, pati na rin sa pagpapalaganap ng mga “values” kuno ng isang “mabuting” Pilipino o Pilipina.
  • Faith-based Institutions – na sobra-sobra kung bigyang halaga ang “virginity” ng babae. Na kesyo ‘pag natapyas ang katiting na laman na ito sa puke e habambuhay na ring sira ang dignidad at pagkatao ng isang babae.
  • Families – kasi may kaso ng incest o rape sa pamilya. Masyado rin ang pagiging “makatatay” ng ating mga pamilya. Ang lalaki ang sentro ng pamilya, s’ya dapat nasusunod. Ang babae ay support lang. Second class.
  • Machismo and Marianismo – Pa-macho shit effect. Sa lalaki, mas maraming panganay, mas okay. Mas maraming nabuntis, mas okay. Sa babae, kapag virgin ka, mabuhay! Kapag mahinhin, imba ka! Lalaki lang ang malakas at pino dapat kapag babae. Go, stereotypes!
  • Culture of Silence – kapag may nabuntis sa pamilya at hindi kasal, shut up lahat. Bawal ipagkalat. Itago ang babae sa probinsya. O kaya e itakwil! Makasalanang babae! Pakawala! Ssshhh! ‘Wag maingay. Baka pagtsismisan tayo ng kapitbahay at kamag-anak. Nakakahiya!
  • Individuals – tayo rin kasi ang may mali sa pag-uugali at nakagawian. Meron tayong mga nakatakdang paniniwala sa role ng isang babae at isang lalake na hindi naman talagang nakataga sa bato.

Napansin mo bang wala sa babaeng nabuntis ang sanhi ng early pregnancy? Madalas kasi sa babae ang sisi kapag nabuntis. E pa’no ‘yung lalaki? Banal? Maraming nabubuntis na hindi naman nila choice. At kahit sabihin pang “nagmahal” lang sila kaya nabuntis, pumapasok pa rin dito ang values system, ang culture na kinalakhan at ang buong lipunan.

At dahil mabait ako, narito ang PowerPoint presentation ni Dr. Tan. Ayan a, binigay ko na. Baka naman umangal ka pa. Sungalngalin ko ngalangala mo e. Yes, tapang!