At Ang Nagwagi…

by Sankage Steno

Coincidentally, ang nanalo sa Takutin Mo Ako ay ang paborito kong writer, si Anonymous.

Sa totoo lang, hindi naman ako natakot sa kwento n’ya. Actually, wala talagang kwento ang nakapanakot sa akin nang todo. That’s kinda expected naman. Pero dahil marami-rami ang sumali, at nalibang naman ako kahit papa’no, minabuti kong pumili ng isang panalo.

Si Anonymous ang pinili ko dahil malinaw ang kanyang pagkakakwento. Hindi ko sinasabing malabo ‘yung iba, mas gusto ko lang ‘yung flow ng kwento n’ya, pati na rin ‘yung setting, Teacher’s Camp sa Baguio City, isa sa mga pinakanakakatakot na lugar sa Pilipinas.

‘Yung kwento rin n’ya e pwedeng nakakatakot in the supernatural sense o nakakatakot in a real-life sense. Basta, basahin mo na lang. Nagustuhan ko rin ‘yung medyo pag-backfire sa kanya nu’ng binalak n’yang panloloko sa mga kaibigan. ‘Yan talaga ang napapala ng mga mahaharot na tulad ko.

Pero ang the best sa kwento n’ya e ‘yung una at pangatlong talata.

Narito ang kanyang kwento para maintindihan mo lalo ang sinasabi ko:

Nasa Baguio kami nun, sa Teacher’s Camp. May 3 days conference ang mga student leaders at leader-leader-an tulad ko.

Natural, naka-hiwalay ng kwarto ang mga boys at girls. So dahil boy ako, nandun ako sa dorm ng mga boys. Kaya lang, wala akong kilala sa kanila dahil galing sila sa ibang school. Yung mga kasama ko sa org ko girls lahat. Long story short, ang gamit ko lang ang natutulog sa boys dorm, ako dun sa girls dorm. Pinag dikit-dikit namin ang mga kama para magkasya kaming lahat sa room na yun.

Kami-kami lagi ang magkakasama sa pagtakas sa mga seminar para mamasyal sa Baguio, kumain sa labas,at makipag kwentuhan.

On the last night, may cultural presentation sa Assembly Hall. Nandun kaming lahat. At dahil uuwi na kami kinabukasan, nagpaalam ako sa mga kasama ko na kukunin ko yung mga gamit ko sa boys dorm at ililipat ko sa girls’ para pag gising ko nandun na lahat.

Pagka-kuha ko ng mga bags ko, nilakad ko na ang girls’ dorm, para maglipat ng gamit. Pagdating ko sa room namin, kinuha ko ang key at nung bubuksan ko na ang pinto, narinig ko na may naguusap sa loob. So, naisip ko na takutin sila. Kumatok ako ng pagka-lakas-lakas, tapos tumakbo at nagtago. Tinitignan ko mula sa dulo ng hallway kung binuksan na ang pinto pero wala. Deadma sila.

Bumalik ako, kinabog-kabog na naman ang pinto tapos tumakbo ulet. Nag abang ulit ako sa dulo ng hallway at sumisilip kung binukbuksa na ang pinto. Wala parin nagbubukas ng door.

At dahil napagod ako sa kakatakbo, at bit bit ko pa ang dalawa kong malalaking bags, sumuko na ko sa plano kong manakot. Bumalik ako sa pintuan, kinuha ang susi, at bago ko binuksan, naririnig ko pa rin na may tao sa loob. Naririnig ko na may nag-uusap kaya alam ko na may tao sa loob. Alam ko rin na sila ang mga schoolmates ko dahil wala naman ibang tao ang may susi sa kwarto. Ako lang. Isa lang ang susi na yun, at hawak ko siya..

Pinasok ko ang susi sa butas ng door knob. Na un-lock sya.
Nung bubuksan ko na ang pinto, biglang may pumigil nito mula sa loob. Pinilit ko syang itulak, pero pinipilit parin ng tao sa loob na isara sya. Siguro tatlong beses kaming nag tulakan ng pintuan.

Naisip ko na seryoso ang usapan ng mga nasa loob kaya umalis nalang ako papunta sa Assembly hall. Yung isa naming kasama kasi ay may ka-affair dun so akala ko, sila yun at nag-dadramahan sa kwarto.

Pag dating ko sa Assembly Hall, with all my bags. Nagulat ako na nandun silang lahat. AS IN SILANG LAHAT! Kinwento ko sa kanila ang pangyayari at ayaw nilang maniwala. Yung isa lang ang natakot, Yung may ka-affair.

Sino ang nasa loob? Kung naka pasok ako, makakalabas pa kaya ako ulit?

Kung kinilabutan ka sa kwento n’ya, good for you. Ako kasi hindi. Mas nakakatakot pang isipin na, sabi n’ya sa unang talata, mga student leaders sila. Tapos, pagdating sa ikatlong talata, sabi n’ya, sama-sama raw silang tumatakas sa seminars at naglalamyerda sa Baguio.

Ito ba ang tamang gawain ng mga student leader sa bansa? Ito ba ang pag-asa ng ating bayan? Oh well, mga bata nga naman. Basta natuwa ako sa kwento mo, Anonymous.

Congratulations!

Meron kang isang buwan para ma-claim ang iyong gantimpala (until December 3). Otherwise, forfeited s’ya. Magpapa-contest ulit ako para ipamigay sa iba. Para makuha ang iyong premyo, i-email mo lang ang iyong buong pangalan sa snap2104@yahoo.com