Mga Dapat Marinig ni Napoles

by Sankage Steno

Naunahan na tayong lahat ni Neal Cruz, kolumnista sa Philippine Daily Inquirer, kung ano ‘yung mga isasagot ni Janet Lim-Napoles sa hearing ngayon sa Senado. Nahulaan na n’ya kahapon sa column n’ya ‘yung mga sasabihin ni Napoles, at karamihan nu’n e sakto nga.

At kahit si Senator Miriam Defensor Santiago e nahihirapang mapaamin ‘tong Pork Barrel Queen natin. Hindi umepek ‘tong sinabi n’ya, “I advice you tell the truth before the senators have you assassinated.”

Puro “Hindi po,” “Hindi ko po alam,” at “I invoke my right against self-incrimination” lang ang laman ng bunganga nitong si Napoles. So para patas ang lokohan sa babaeng ‘to, I suggest the following arguments:

  • Panira ka ng araw e! Wala naman kaming nakuha sa ‘yo. E iniba ko na nga po ‘yung tanong ko. Sige na, salamat na nga lang.
  • IKR! NSFW! WYSIWYG! LOL! BRB! BS! FU!
  • Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit, sed diam nonummy nibh euismod tincidunt ut laoreet dolore magna aliquam erat volutpat.
  • Ang na Ang na
    su la pu hin
    su mas ki dot
    mo ko! mo ko!
  • Talk to my hand! Talk to my hand! Talk to my hand!
  • Ring-ding-ding-ding-dingeringeding!
    Gering-ding-ding-ding-dingeringeding!
    Gering-ding-ding-ding-dingeringeding!
  • Requiem aeternam dona ei (eis), Domine, et lux perpetua luceat ei (eis). Requiescat (-ant) in pace. Amen.
  • Pong chuwala (pong chuwalai)
    Chi chi ri kong koila
    Butse kik (butse kik) ek-ek-ek (ek-ek-ek)
    Bo bochichang (bo-bochichang)
    Chi chiri kong tong nang
    Butse kik (butse kik) ek-ek-ek (ek-ek-ek)
  • The quick brown fox jumps over the lazy dog.
  • Ako ay may lobo
    Lumipad sa langit
    ‘Di ko na nakita
    Pumutok na pala
    Sayang ang pera ko
    Binili ng lobo
    Sa pagkain sana
    Nabusog pa ako

Gaguhan lang naman talaga ‘yung nangyayari sa Senado e. Walang matinong impormasyong nakukuha. A total waste of everything! Mas may sense pang mangulangot kesa pakinggan ‘yung mga sinasabi ni Napoles.