Tally ng Financial Aid para sa Pilipinas

by Sankage Steno

Narito ang partial, unofficial list ng mga tulong na ibinigay o ipinangako ng iba’t ibang bansa para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda. Na-convert ko na lahat ‘to sa Peso kaya hindi eksakto. Ginamit ko lang ang exchange rate na PHP43.57 = US$1.

Bantayan natin ang mga perang ‘to. Dapat masiguro na sa mga biktima mapupunta ang lahat ng tulong na dumarating.

  • Australia – P15,637,273
  • Canada – P208,090,500
  • Denmark – P78,323,900
  • European Union – P759,443,100
  • Netherlands – undisclosed
  • New Zealand – P77,301,100
  • Norway – P141,679,600
  • Saudi Arabia – P4,357,000
  • Singapore – P2,178,500
  • Taiwan – P8,714,000
  • United Arab Emirates – P427,039,200
  • United Kingdom – P975,052,400
  • United Nations World Food Programme – P87,140,000
  • United States – P4,357,000
  • Vatican – P6,535,500

Syempre, hindi pa kasama d’yan sa computation ang in-kind donation ng iba pang bansa:

  • Belgium – medical and search and rescue personnel
  • Germany – 23 tonnes of relief goods
  • Hungary – search and rescue personnel and rapid response team
  • Indonesia – in-kind donations
  • Israel – team of medical, trauma and relief professionals
  • Japan – emergency relief medical team
  • Malaysia – medical and search and rescue teams
  • Russia – rapid response team
  • Spain – in-kind donations
  • Sweden – emergency communications equipment
  • Turkey – medics, rapid response team, search and rescue personnel
  • United Nations Children’s Fund – $1.3 million worth of supplies

Ang total financial aid so far, base sa mga nakalap kong impormasyon sa iba’t ibang sources ko, ay tumataginting na P2,795,849,073.

Idadagdag ko na rin ang pera ng gobyerno natin na balak gamitin para sa mga nasalanta ng kalamidad. Galing ito mismo kay Secretary Florencio Abad ng Department of Budget and Management.

Ayon sa kanya, meron tayong:

  • P6.4 billion – President’s Social Fund
  • P16.6 billion – Government Savings
  • P1.74 billion – Quick Relief Funds
  • P1.28 billion – Calamity Fund
  • P824 million – Contingency Fund

Ang total ng pera natin so far ay P26,844,000,000.

Kung pagsasamahin ang foreign aid at local funds natin, ang magiging total ay hindi bababa sa P29,639,849,073!

Ganyan kalaking pera ang hahawakan ng gobyerno natin. Tatlong ulit na mas malaki sa ninakaw ni Napoles. Kaya dapat tayong lalong maging alerto. Kahit hindi ito ang official tally, naniniwala naman akong hindi nalalayo sa halagang ‘yan ang pera natin.

At sure akong madadagdagan pa ‘yan kapag nagbigay na rin ng tulong ang iba pang mga bansa, pati na rin ang iba pa nating mga kababayan. Hindi ko pa rin sinama d’yan ang donasyon ng mga local businesses natin.

Basta keep on helping, ‘wag magsasawa. Kasabay nito, bantayan din natin ang salaping ito na gagamitin sa pagtulong sa mga kababayan nating nabiktima ng kalamidad.