Selfie Volunteers

by Sankage Steno

Ayoko naman silang pagbawalan kasi nakakatulong din naman kahit papa’no, pero medyo insensitive nga lang.

Marami kasing pumupunta sa relief centers ngayon para mag-volunteer, pero kasama ng mabuting intensyon na ‘yon e ‘yung urge na ipakita sa ibang tao na tumulong o tumutulong sila. Syempre, ilalabas muna ang camera phone, magpo-pose at click! Any moment, ayun, naka-upload na.

In fair.

Normal lang naman ‘yun. Ginagawa nga madalas ‘yun ng mga artista at pulitiko. Look at the telethon sa lahat ng channel sa Pinas, saka ‘yung mga relief goods na may pangalan o mukha ng pulitiko. Bad taste, pero pangkaraniwan na nga lang dito sa bansa natin.

Alam ko rin na kaya may PR agencies at Corporate Communication ang mga kumpanya e para itrumpeta sa lahat ang mabubuti nilang ginagawa sa ibang tao. Sabi nga sa ‘kin nu’ng college, “PR is good works communicated.”

Fine.

I won’t discourage those volunteers na gustong kuhanan ang sarili habang nagre-repack ng relief goods basta ba sandali lang gagawin ‘yun at tututok ulit sa talagang trabaho nila, which is tumulong sa pagbibigay ng relief sa mga nasalanta ng kalamidad.

In fact, kahit ‘yung Philippine Red Cross e may sariling photographer para kunan ‘yung mga volunteers habang nagtatrabaho. Kagabi nga, habang isinasakay ‘yung mga sako ng relief goods sa 14-wheeler truck, huminto muna ang lahat at tumingala. Nasa mezzanine kasi ‘yung photog. Nag-pose lang para maganda ang kuha.

Tapos ‘yung may-ari ng truck, nagkabit muna ng PRC logo sa harapan ng sasakyan, tapos nagsuot ng PRC vest saka nagpa-picture sa isang volunteer. Saka pa lang umandar ‘yung truck papunta sa HQ sa may Port Area.

Tiningnan ko tuloy ‘yung Flickr account ng PRC para hanapin ‘yung picture. Wala pa. Di pa naa-upload. Puro luma pa ‘yung andu’n. Andami ngang mukha ni Dick Gordon e. So, naisip ko, sige na nga. Tutal nakaka-attract ‘yan ng maraming volunteers, e di i-push!

I guess this new breed of vainglorious volunteers remains no less a hero.