Para sa mga buhay pa ngayon

by Sankage Steno

Again, with feeling.

Uulitin at dadagdagan ko lang ‘yung nasabi na ni Stef dela Cruz sa blog n’ya. Marami pa rin kasi akong nakikitang mga post sa Facebook at Twitter (pati na rin Instagram, Reddit, etc.) na sobrang insensitive. Nakakasuka lang na “friend” ko sila. ‘Yung iba nga hinahangaan ko pa personally.

[Insert invective here.]

Magfo-focus lang ako sa photos dahil ‘yun talaga ang pinakanakakainis sa lahat. Last piece of advice, bato-bato sa langit, ang tamaan… pangit.

Do not post the following photos for the next two or three weeks:

1. Selfies – Koya naman, sige na, ikaw na gwapo at maganda ang katawan. Ateng, oo na, sexy ka na. Drop-dead gorgeous! Tigilan mo rin ‘yang couple pics. Puh-leeease!

IMG_1094

2. Mga bagong gamit – Pinagpala ka ng Diyos sa lahat ng tao, so kailangan malaman din ng ibang tao? Anong purpose ng pagpapakita ng bago mong sapatos o cellphone o tablet o game console o damit? Paki-explain. Pakyu.

3. Travels – So afford mo ang mag-travel. Jet-setter ka, ‘Neng? ‘Toy? Congratulations! Wala pa kasing nakakapunta d’yan sa napuntahan mo e. Ikaw ang first human being to ever step on that place. Inggit much!

4. Donations – Ambait-bait mo talaga. Matutuwa lalo sa ‘yo si God n’yan. For sure sa langit ka na mapupunta. Ang sarap sa feeling ng nakakatulong, ‘no? Sige pa, ipangalandakan mo pa sa buong mundo ang kabutihan mo.

5. #TBT – Ang cute-cute mo talaga nu’ng bata ka pa. Yeah, nu’ng bata. Iba talaga ang pakiramdam kapag binabalikan ang nakaraan. Buti ka pa may babalikang magagandang memories. E ‘yun kayang mga namatayan?