Go, PH Gov’t, Go!

by Sankage Steno

Given the magnitude of the situation. ibibigay ko sa gobyerno ng Pilipinas, lalung-lalo na sa mga member ng LGUs na kahit sila mismo e biktima, patuloy pa rin sa pagtulong sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda.

Ibibigay ko rin sa pangulong ibinoto ko noong 2010. Alam kong maraming pagkukulang at pagkakamali sa ginawang paghahanda at ginagawang relief operation, pero naiintindihan ko naman kung ga’no kahirap ang mga pangyayari. Kahit sabihin pa ng maraming incompetent si Noynoy, wala akong nakikitang ibang qualified na humawak ng ganitong klaseng disaster sa isang mahirap na bansa.

I don’t think the situation would be any better kung si Gloria ang nakaupo o si Gibo. Kahit nga siguro si Obama ang pangulo natin, for sure marami pa ring magiging lapses before, during and after the typhoon incident.

Kung ang mga pulis, sundalo, pulitiko at social worker na naghanda sa paparating na bagyo e nabiktima rin, kung walang kuryente at linya ng komunikasyon, kung hindi madaanan ang mga kalsada at sira ang mga pier at airport, at kung pulu-pulo pa ang bansa mo, impyerno talaga ang aabutin natin sa isang napakalakas na bagyo.

Idagdag mo pa na naghihilom pa rin ang bansa natin sa kakatapos lang na lindol sa Bohol at Cebu. Kailan lang din ‘yung krisis sa Zamboanga City. Isama mo na rin ‘yung habagat at ilang mas “mahihinang” bagyong dumaan sa kapuluan ng Pilipinas. Kahit sino pang pinuno mo, siguradong mawiwindang.

Pero alam ko namang puspusan pa rin sa pagtatrabaho si Noynoy at ang kanyang gabinete, kaya binibigyan ko sila ng isang matinong saludo.

Saludo rin ako kay Dinky Soliman ng DSWD na 24/7 nagtatrabaho at sa marami pang government workers na noong isang linggo pa hindi nakakapag-day off dahil sa pagiging abala sa pagtulong.

Salamat din sa mga journalist na walang humpay sa pagbibigay ng impormasyon kahit pa puro negative at paninira sa gobyerno ang sinasabi nila. At least napipilitan ang lahat na pag-igihin pa ang pagresponde sa mga nangangailangan ng tulong. Kung sa iba ‘yan, baka lalo pa silang panghinaan ng loob dahil sa takot o trauma.

Sobrang nalulugod din ako sa napakaraming Pilipinong tumutulong at nakikiramay. Pinakaikinatataba ng puso ko ‘yung mga mahihirap na kahit walang-wala na e nakukuha pa ring magbigay. Kahit pa pulubi! Salamat kay Benjie na nagbigay ng dalawang piso. Kumikirot ang dibdib ko sa tuwa.

Syempre, hindi ko rin mapapalampas ang napakaraming bansa at international organizations na tumutulong sa atin ngayon. Kahit di n’yo man padaanin sa gobyerno ang inyong tulong, malaking bagay pa rin ‘yan. Kung may isang Filipino word man kayong dapat matutunan, ‘yun ay ‘Salamat.’

Sigurado akong kapag nalampasan natin ‘to, iba na ang magiging paghahanda natin sa mga susunod na malalakas na bagyo. Imposibleng hindi tayo matututo sa delubyong ‘to.

Right now, our government is doing its best. If you think its best is not good enough, ssshhh! Look below.