5 Positive Effects of Global Warming

by Sankage Steno

Kahit ilang iyak at hunger strike pa ang gawin ni Nadarev Sano, PH representative to the UN climate change conference, malabong mangyaring gumawa ng paraan ang mayayamang bansa para tulungan ang mga mahihirap na bansang nakararanas na ng bagsik ng pagbabago ng klima.

Kung ang Pilipinas ay isa sa mga nangungunang bansa sa pagtanggap ng mga masasamang dulot ng climate change, marami namang developed countries ang looking forward pa sa tuluyang pagbabago ng klima sa buong mundo.

Sasabihin ko ang mga dahilan kung bakit ayaw nilang umaksyon, kung bakit pinapabulaanan nila ang katotohanan tungkol sa global warming at climate change, at kung bakit hindi sila magbibigay ng tulong sa mga mahihirap na bansang pinaka-vulnerable sa disasters at calamities.

Disclaimer: Hindi ako scientist at lalong hindi ako climate change expert, pero sa dami ng mga conferences na na-cover ko, isama mo pa ang mga nabasa at napanood ko about sa isyung ito, masasabi ko namang may konti akong nalalaman na hindi masyadong ibinabalita ng local media.

Buti na lang may blog.

Here are the positive impacts of global warming:

  • Warmer Winter – Dahil mas mainit nag temperatura ng mundo, hindi na rin masyadong magiging maginaw sa mga bansang may winter. Ang ibig sabihin nito, mas maraming buhay ang maliligtas, lalo na ‘yung matatandang hirap kapag taglamig. Mababawasan din ang winter-related accidents at calamities.
  • More Food – Dahil iikli ang winter, hahaba ang panahon para sa pagtatanim. Ang ilang nagyeyelong lugar naman e natutunaw na at lumilitaw ang lupa na pwede nilang pagtaniman. Idagdag mo pa na ang ilang greenhouse gases, like CO2, ay gustung-gusto ng mga halaman.
  • Wider Territory – Dahil nga natutunaw na ang mga yelo sa north at south poles, ang mga bansang malapit o may interes dito ay mapapalawak lalo ang kanilang teritoryo. Dadami ang kanilang resources na lalong magpapayaman sa kanila.
  • Energy Source – Nagkakandarapa na rin ang mayayamang bansa sa paghihintay na tuluyang matunaw ang Arctic at Antarctica para masimulan na nilang maghukay du’n at humanap ng mapagkukunan ng enerhiya tulad ng fossil fuel. It’s all about oil, oil and more oil.
  • Longer Summer – E di ba ‘pag summer, nasa beach ang karamihan o kaya e nagbabakasyon? E di mas masaya! Kung lalong iinit ang panahon, lalo ring bebenta ang mga resort at vacation spots sa mga mayayamang bansa. More happiness!

Sa dami ng positive effects na ‘yan, hindi kasama ang Pilipinas. Una, wala tayong winter. Pangalawa, daanin tayo ng bagyo na dumadalas pa lalo ‘yung malalakas na klase. Kung humaba man ang summer natin, grabe naman ang init at grabe rin ang hangin at baha kapag tag-ulan.

Isa ang bansa natin sa mga “nakikinabang” sa negative impacts ng climate change, habang ang mga developed countries naman ay lalo lang mabibiyayaan nito. Kaya bakit ka naman gagawa ng aksyon para mapigilan ang full impact ng global warming at climate change, di ba?

Para sa mga mayayamang bansang ‘to, it’s business as usual.