Anne, can you buy me?

by Sankage Steno

Parang awa mo na, Anne Curtis. Please lang, bilin mo na ako. You can buy me, or my friends, or my club. I had three clubs way back in college, you can buy any of them. Pwede mo ring bilin lahat if you like.

Sige na, Anne, buy me na. I’m a slave for you. You can do what you want with my body. Do what you want, what you want with my body. Wala akong pakialam kahit pa itali mo ‘ko, ikadena mo ‘ko, latiguhin mo ‘ko. Sige lang. Ang tanging maririnig mo lang sa ‘kin ay ‘Rawr!’

Ipinapangako ko sa ‘yo, Anne. Kapag binili mo ‘ko, paliligayahin kita araw-araw. Ibibigay ko ang lahat ng hilig mo sa katawan. Susubuan kita, papaliguan, mamasahihin, kakamutin ang likod, susuklayin ang buhok, gugupitan ng kuko, pupulbusan at papabanguhan. Lahat-lahat gagawin ko. Lahat-lahat.

At hindi lang ako, Anne. Buy my friends na rin. I know naman na kayang-kaya mo kaming bilin. Barya lang kami kumpara sa sweldo mo sa pag-aartista at sa dami ng iyong endorsements. On behalf of my friends, sinisiguro ko sa ‘yong hinding-hindi ka magkakamali sa pag-purchase sa amin.

Kapag naging iyo na kami, pwede mo kaming pagsabay-sabayin gabi-gabi. Kahit umaga pa kung gusto mo, basta ba wala kang taping sa It’s Showtime. Okay lang talaga sa ‘min ‘yon. Hindi kami aangal. We’ll be loyal and subservient to you. Your wish is, and will always be, our command. Just say it, and we’ll do it.

And don’t mind the tax. Ako, sampu ng aking mga kaibigan at clubs, ay tax-free. Non-VAT items din kami. Hindi ka mahuhuli ni Kim Henares. Ligtas ka sa mga kuko ng B.I.R., pramis! Pero if you insist, pwede ka naman naming isyuhan ng resibo. Ako na mismo ang pipirma para sure. Hindi kita tatakbuhan o uungguyin. Gusto ko lang talagang mabili mo.

Iyon lang naman ang pangarap ko sa buhay. Kapag kasi nabili mo na ako, ang aking katawan, ang aking buhay, ang aking pagkatao’t dignidad, pati na rin ang aking kaluluwa, ako na ang magiging pinakamasayang tao sa balat ng lupa. Aanhin ko pa ang langit o ang impyerno kung meron namang Anne Curtis na magma-may-ari sa akin, di ba?

Kaya sige na, Anne, ‘wag ka nang mahiya. Naglagay na rin ako ng ad ko sa sulit.com.ph at sa online shop ko sa Facebook. Kung gusto mo, gagawa na rin ako ng discounted promo sa Ensogo, CashCash Pinoy at Metro Deal. Lahat ng paraan gagawin ko para lang mapasaiyo.

But wait, there’s more. If you buy me now, may libre ka nang one-year premium para sa insurance ko. So kung sakaling may mangyari mang masama sa akin sa mga kamay mo, makakaasa kang may makukuha kang pera. Kung pwede nga lang akong papalitan kapag nasira, gagawin ko. Kaso hindi pwede, kaya insurance na lang.

So what are you waiting for? Buy me!