Sulat sa Sankage

by Sankage Steno

Ito ay liham ko para kay Sankage Steno from three years ago, kung kelan hindi pa s’ya conyo, hindi pa s’ya kaaway ng Iglesia, pero isa na s’yang sikat na bubuyog, if you know what I mean. Here’s the shortened version of that letter to myself.

Dear Sankage Steno (dati),

Gago ka, anong kadramahan ‘yang ginagawa mo sa buhay mo? Ba’t di mo na rin kaya patuluin ‘yang luha mo from your left eye? Single drop lang, tapos sa right eye naman pagkatapos. Kala ko ba ayaw mong malagay ‘yung buhay mo sa MMK? E bakit nag-iinarte ka d’yan? Gusto mong matadyakan nang padakot?

Kung gusto mong umayos ‘yang buhay mo, e di umayos ka! Alam mo naman ang dapat mong gawin e, ayaw mo lang gawin. At baket? Kasi takot ka. Alam mo naman siguro kung ano ang tawag sa mga takot, di ba? O, ayun, ganu’n ka. Tanginang ire. Gusto pa ‘kong paandaran.

Tigilan mo ‘ko d’yan sa mga kakornihan mo ha. “Hindi ka na nakakatuwa. Papagulpi na kita sa gwardyang may batuta… Hindi ko talaga ma-gets kung bakit ka ganyan.” Tanga, kanta ‘yun. Lagi mo kayang kinakanta ‘yun sa videoke. Ano, aarte kang di mo alam? Silvertoes ‘yun, kumag na ‘to. PNE! ‘Wag mo sabihin sa ‘king di mo rin alam ‘yon?

“Baka makatikim ka ng sarsuela de kamao na sinlisto el de gato sa gulpihan de con todo.”

Hindi kita pinapatawa, tange! Tingin mo sa ‘kin, Dolphy? Patay na ‘yun ngayon. Pati si Mandela, patay na rin. Ikaw, buhay pa, pero wala kang sinabi sa dalawang ‘yun. Bakit kamo? Kasi sila, parehong nabuhay nang totoo sa sarili. Sila, full na full ang life. Wala silang pinagsisisihan. Buung-buo ang kanilang pagkatao. E ikaw?

Asa ka pa.

Kundi ka ba naman kasi isang libo’t isang tanga, sana noon pa lang e nasimulan mo na talagang mabuhay. And I’m not talking about the biological sense of living. Living thing ka nga, e talaga bang buhay ka at nabubuhay? Alam mo kung tanga ka, same thing lang din ‘yon, pero alam kong gets mo naman ‘yung sinasabi ko e, kaya ‘wag na ‘wag kang magmamaang-maangang di mo na-gets.

Ang mabuti pa, umalis ka d’yang hinayupak ka sa katarantaduhan mong sitwasyon. Kung kinakailangang kaladkarin mo ang ‘yong sarili nang pakandirit, gawin mo. At kung hinde, mapipilitan akong tadtarin ka ng malulutong na mura, pota ka, habang sinisipa ka nang pa-buwan para mapaalis ka d’yan sa lungga mo.

Painit ka ng ulo e.

Nagmumura,

Sankage Steno (today)