3 Guardian Angels

by Sankage Steno

May na-meet akong tatlong tao sa panaginip ko over the weekend, at feeling ko e sila ‘yung guardian angels ko. Hindi naman sa naniniwala ako talaga du’n, pero ‘yun lang kasi ang pinaka-appropriate kong naisip na itawag sa kanila. Hindi naman kasi sila mukang incubus o succubus.

Wala na akong maalala masyado sa panaginip ko, kahit ‘yung muka nilang tatlo e malabo na, pero tandang-tanda ko pa rin ‘yung pakiramdam ko habang nananaginip.

At masaya s’ya.

Dalawang lalaki at isang babae ‘yung guardian angels ko. Una kong na-meet ‘yung guys na sa alaala ko e mas bata ang itsura sa ‘kin, so I’m assuming na younger sila by two to four years. Nag-Hi-Hello lang kami sa isa’t isa. Kung meron man kaming pinag-usapan pa e hindi ko na matandaan. Basta sweet ‘yung tagpo at parang ang gaan-gaan ng loob ko sa kanila.

Feeling ko rin e nakasama ko na sila before sa ibang panaginip. Ang naaalala ko e parang nag-bike kami dati at angkas nila ako or ako ‘yung may angkas sa isa sa kanila. Basta sa panaginip ko e parang antagal ko na silang kakilala.

‘Yung babae naman e mukang mas matanda sa ‘kin ng two to four years, at maganda s’ya. Mahaba ang buhok na medyo kulot yata, parang ‘yung kulot ni Jessy Mendiola. Sexy rin yata, or baka dahil lang sa suot n’yang damit. Anyway, pakiramdam ko rin e matagal ko na s’yang kakilala.

Ang kakaiba lang sa kanya, sobra s’yang kalog, parang si Nicole Hyala sa Love Radio. Wala na ‘kong matandaan sa mga sinabi n’ya pero alam ko tawa ako nang tawa sa jokes n’ya.

Habang magkakasama kaming tatlo, parang may shine-share ako sa kanila, at tutuk na tutok naman sila sa mga sinasabi ko. Basta masaya ‘yung kwentuhan na parang matatalik ko silang kaibigan. Pero nu’ng magising ako, saka ko lang nalaman na hindi ko sila kilalang lahat. Ang weird lang talaga na sobrang ang gaan ng loob ko sa kanilang tatlo.

Ang pinagtataka ko ngayon e kung totoo silang tao at nagkatagpo lang kaming lahat sa panaginip. I hope na totoo sila dahil gusto ko silang ma-meet at maging totoong mga kaibigan. Gusto ko rin silang pasalamatan nang personal dahil nu’ng magising ako, andami kong naisip na para sa susunod kong nobela. Na-inspire akong magsulat ulit.

I think they are my “muses.” No, I prefer guardian angels.