Like a Binay

by Sankage Steno

Kelan lang pumutok ‘yung balita pero noong Nov. 30 pa pala ‘yung insidente involving the guards at Dasmarinas Village at ‘yung mga Binay, sans VP. At kakampihan ko ang mga Binay.

Dito sa Pilipinas, isang malaking kasalanan ang gawin mo nang tama ang iyong trabaho. Napakalalaking tanga nu’ng mga gwardya sa pag-aakalang makakabuti sa kanilang career ang gawin nang maayos ang kanilang mga tungkulin. It doesn’t work that way sa bansang ‘to.

Kapag sinabi sa ‘yong may curfew ng 10pm at bawal nang magpadaan ng kahit na sino sa gate, hindi mo dapat sundin ‘yon. Sa papel lang talaga ‘yung mga rule na ‘yon. Kapag isang mayor at isang senador ang nagtangkang dumaan sa gate, kahit bawal na dahil sa curfew, dapat mo silang padaanin. They are, and will always be, above the law.

Nagkataong Binay pa ‘yung gustong dumaan, lalong dapat suwayin ang batas. Ang gagago lang talaga ng mga gwardya sa pag-aakalang ikakaganda nila ang pagpapatupad ng batas. Mga hunghang!

Being above the law is the new black. E black pa naman ‘yung mga Binay. Double whammy!

Tama talaga sina Junjun at Nancy sa pag-iinsist ng kanilang status. It’s not just their privilege; it’s their right! “Di n’yo ba ako kilala?” tanong ni mayor. Alam mo, kahit mahirap sagutin ‘yung tanong na ‘yon dahil gabi na at umaambon pa, dapat hindi na nagmatigas pa ‘yung mga gwardya. A Binay is a Binay. And that you can never deny.

Ayan, mapag-rhyme lang.

So here are a few tips on how to be like a Binay in case maka-encounter tayo ng mga Pilipinong tapat sa kanilang tungkulin at ginagawa nang maayos ang kanilang mga trabaho. Mga salot sila sa lipunan.

  • Be Bold. Assert your right to be above the law. Ginawa ang mga batas para suwayin, hindi para sundin. Kung hindi mo susuwayin ang mga batas, para saan pa ang mga pulis, ang mga senador, ang mga congressmen, ang mga abogado at ang mga hukom?
  • Be Black. “Love your neighbor… And if he happens to be tall, dark, and devastating, it would be that much easier.” Kaya bumili ka na ng maraming bronzer o air brush at magpa-tan… no, black. It will make you invincible, lalo na sa gabing maambon.
  • Be Brave. Isipin mo laging kakampi mo ang mga pulis kapag naipit ka sa isang mahirap na sitwasyon. Kapag ikaw ang nagpatawag sa kanila, kahit ikaw pa ang may kasalanan, ikaw pa rin ang kakampihan ng mga pulis. Maniwala ka, may CCTV footage ako to prove it.
  • Be Braggy. Kung may pinag-aralan ka o kung graduate ka sa magandang paaralan, ipamukha mo. Kung may katungkulan ka, ipamukha mo. Kung mayaman ka, ipamukha mo. Kung may kotse ka, ipamukha mo. Kung may syota kang gwapo o maganda, ipamukha mo. Kung hot ka, ipamukha mo. You already. That’s the rule.
  • Be Binay. Pwede mong kalimutan ang lahat ng naunang tips, ‘wag lang ‘to. Pumunta ka na sa abogado mo at magpapalit ng apelyido. Kapag naging Binay ka na, the whole universe will conspire to help you in everything. Yes, every… fucking… thing.