Kapatid na ang Kapuso

by Sankage Steno

Si Manny Pangilinan na raw ang bagong may-ari ng GMA Network, Inc., ngayon at hindi na si Felipe Gozon. Naibenta na raw bago pa matapos ang taon, at baka sa 2014 pa maging formal ang announcement. Ito ay ayon sa aking bubuwit na hindi ko ipapakilala dahil baka resbakan ninyo.

Ako na lang abangan n’yo sa kanto.

Matagal nang usap-usapan ang balak na pagbebenta ng GMA sa may-ari ng TV5 (at kung anu-ano pang malalaking negosyo sa bansa), pero hindi nga sila magkasundo noon sa presyo. Ngayon, ayon sa aking bubuwit, e nagkasundo na nga raw. Hindi ko lang sure kung pati ‘yung stocks ng dalawa pang may malaking ownership sa kumpanya ay nabili rin ni Pangilinan. Feeling ko ‘yung kay Gozon lang ang naibenta.

Anyway, ano naman ang pake natin kung iba na ang may-ari ng GMA? Well, unang-una, magkakampi na ang kapatid at kapuso laban sa kapamilya. Parang Sun at Smart lang ‘yan nang magsanib sila a few years back para kalabanin ang Globe.

Are you seeing a pattern in the business competition here? Galing ‘no?

Pwede na ring magpalitan ng stars ang dalawang networks nang walang kahirap-hirap. Kung dati-rati ay malaking balita ang paglipat ng mga artista sa ibang istasyon, sa ngayon e baka maging pangkaraniwan na lang ito. Mas malaya na kasi ang TV5 at GMA na manghiraman ng talents. Hindi ko lang sure kung pati non-showbiz employees e pwede na ring hiramin.

Posible rin na madalas na nating makikita ang mukha ni Pangilinan sa mga station ID at house ads ng GMA. Madalas na ring mababalita s’ya at ang kanyang mga pinanghahawakang negosyo. Ibig sabihin nito, more publicity. At ‘pag mas maraming publicity, good or bad, mas makikilala ‘to ng mga tao at mas “tatangkilikin.” Mas lalaki ngayon ang kita ni Pangilinan. Lalo s’yang yayaman. Yehey!

Maaari rin namang mabago ang format ng mga balita at iba pang palabas sa GMA. Well, maganda na naman ang ilang palabas nila, pero dahil sa bagong mag-iinvest dito na alam naman nating sobrang aggressive, baka lalo pang gumanda ang mga gamit nila, which will result in more quality shows. Sana nga ganu’n ang mangyari.

Para naman sa mga empleyado ng GMA at TV5. Well, I won’t speculate anymore. Bahala na si Bathala sa inyo. Naniniwala naman akong magaling magpalakad si Pangilinan, at medyo galante rin. So kung wala man kayong Christmas bonus ngayon, baka next year buo n’yo pang makuha nang maaga.

Maligayang Pasko, mga Kapuso at Kapatid! Good luck, Kapamilya!