Ang haba na ng tulog ko, natulog pa ulit ako

by Sankage Steno

Totoo pala ‘yung sinabi ni Bob Ong: na kapag bata ka raw at pinapatulog ka, matulog ka, kasi pagtanda mo at natuto ka nang umibig, mahihirapan ka nang makatulog.

Hindi kasi ako maka-relate noon, slight lang, pero sobrang naiintindihan ko na s’ya ngayon. Ang hirap ngang matulog kapag alam mong mas maganda na ‘yung reality mo kesa sa panaginip. Unfortunately, tapos na ang aking mga sleepless night. Balik na ulit ako sa mahaba at masarap na tulog tuwing gabi. And it was a choice na hindi ko pinagsisisihan.

Sa katunayan, kakagising ko nga lang ulit. Nakatulog kasi ako ngayong hapon, so nakabawi na talaga ako sa ilang araw na hindi ako pinapatulog ng nararamdaman ko. Ang hirap din nu’n a, nakakapayat. Hindi ko sure kung ga’no kalaki ang ipinayat ko, pero maraming tao ang nakapansin no’n kaya, sige, confirmed na, pumayat nga ako ulit. Idagdag mo pa rito ‘yung hindi ako makakain dahil, well, same reason.

Nagkataon namang ‘yung binabasa kong libro ngayon e may nabanggit tungkol sa art of sleep. Muli kong iko-quote si Nietzsche, sa tulong ulit ni David. Sabi n’ya:

No small art is it to sleep, the lord of the virtues.

Dagdag pa n’ya, hindi raw magandang hinihintay ang sariling makatulog, so nagbigay na lang s’ya ng suggestions kung pa’no ka madaling makakatulog sa gabi. Medyo mahirap ‘yung suggestions n’ya. Impak, ayoko s’yang subukan. Ito ‘yung kanyang paraan para madaling makatulog sa gabi:

Ten times a day must you overcome yourself: that causes wholesome weariness, and is poppy to the soul.

Mahaba pa ‘yung prosesong ‘yan, pero ang pinakatinutumbok n’yang punto e ito lamang: Dapat daw ay manatili kang gising buong araw para makatulog sa gabi. Pero hindi lang basta-basta gising ka. Hindi sapat ‘yon. Dapat daw e lubusin mo ang panahong gising ka para pagurin ang sarili sa pagkakamit ng discipline at perfection (in whatever endeavor you have).

Ang lalim ‘no? Ako, I know, hindi ko gagawin ‘yan. I mean, 10 times kong dapat malampasan ang sarili araw-araw? That’s too much! Although nakuha ko naman ‘yung punto n’ya. Basta siguro ang mahalaga e mapagod ka buong araw sa paggawa ng mga bagay na makakapagpasaya at makakapagpaganda ng ‘yong buhay para makakatulog ka nang mahimbing at walang pinagsisisihan.

Nalulungkot pa rin ako ngayon sa bagay na sinusubukan kong alisin at kalimutan na, pero gaya nga ng sabi ko sa kaibigan ko, mas mahal ko ang sarili ko. Kailangan ko ring alagaan ang sarili para kung saka-sakaling sa hinaharap ay may makilala ulit ako, mas buo kong maihahandog ang aking sarili sa kanya para s’ya ay mapaligaya.

So allow me to bid you farewell (for now) with this quote from our philosopher again (gaya ng ending nu’ng binabasa ko):

Blessed are those drowsy ones: for they shall soon nod to sleep.

Senseless? Maybe. Maybe not. Good night.