Ang Iyong Wasak na Kapalaran sa 2014

by Sankage Steno

ARIES (March 21-April 19) – Huwag kang bibitaw sa karelasyon mo kahit bugbog-sarado ka na at puro masasakit na salita ang tinatanggap. Mahal mo s’ya e. Ano bang masama sa pagmamahal mo sa kanya? Tiisin mo lang. Kahit hindi na magbabago kahit kailan ‘yang kinakasama mo, hindi mo pa rin dapat s’yang iwan. Nabubuhay ka para lamang maging punching bag n’ya, period. Lucky Color: Malachite; Lucky Number: 70

TAURUS (April 20-May 20) – Isa ka sa maraming kinakalantari n’ya, at alam na alam mo ‘yon, pero hindi ka pa rin nakikipaghiwalay sa kanya. Tama ba ang ginagawa mo sa iyong sarili? Oo naman. Sige lang, magpakatanga ka. Ang pag-ibig talaga ay para sa mga tanga. Uso naman ngayon ang open relationship e, kaya lahat na lang ng tao, i-open mo ang relationship. Give your body to anyone na may gusto. Toothbrush mo nga pinapahiram mo sa kapatid mo e. Lucky Color: Gamboge; Lucky Number: 3.1416

GEMINI (May 21-June 20) – Magkakaroon ka na rin sa wakas ng karelasyon. Matutupad na ang kahilingan mong makahanap ng isang taong mamahalin ka at mamahalin mo rin. Sa kasamaang-palad, hindi magtatagal ang inyong pagsasama. Matapos n’yang makuha ang iyong virginity, hindi ka na n’ya muli pang kakausapin o kikitain. Magtataka ka ngayon kung ano ang ginawa mo. Tanga lang? Binigay mo ang virginity mo, tapos ang usapan. Lucky Color: Fallow; Lucky Number: 69

CANCER (June 21-July 22) – Ipakulam mo ang third party sa inyong relasyon. Kung kaya rin ng iyong budhi, ipakulam mo na rin ang iyong kinakasama. It takes two to tango, di ba? Ibig sabihin, pareho silang niloloko ka. Ito na ang tamang panahon at paraan para gumanti ka. The world is not fair, so dapat gawin mong patas sa pagpapakulam sa kanila. Kapag tumalab na ang kulam, asahan mong may balik din ito sa ‘yo. Lucky Color: Razzmatazz; Lucky Number: -1

LEO (July 23-August 22) – Mga hayop kayo sa kama. Ang swerte mo. Sa sobrang pagkahayok n’yo sa isa’t isa, babagsak ang kama at guguho ang sahig. Pareho kayong lalamunin ng lupa hanggang sa maabot n’yo ang impyerno. Doon ay lalo kayong mag-iinit. Mag-ingat lang na huwag hayaang makisalo sa inyo ang mga demonyo, lalo na si Satanas. Kapag hinayaan n’yo ‘yon, ibang init ang sisilab sa inyo. Lucky Color: Falu Red; Lucky Number: 666

VIRGO (August 23- September 22) – Hindi ka pa rin made-devirginize ngayong taon, malas mo lang. Kahit ipangalandakan mo pa ang iyong sarili tuwing gabi d’yan sa may circle, kahit pa ikaw na mismo ang magbayad, walang papatol sa ‘yo. Try mo naman kasing maligo kahit once a week. Tapos subukan mo ring magsipilyo kahit every other day. Ang hirap kasi sa ‘yo, kalooban mo lang ang malinis. ‘Yung labas, ewan ko. Lucky Color: Arsenic; Lucky Number: 525,600

LIBRA (September 23-October 22) – Makikipaghiwalay ka sa karelasyon mo ngayon dahil ayaw mo na. Ganu’n lang. Bored ka e, at sapat nang dahilan ‘yun para iwan mo s’ya. Kapag kinulit ka n’yang makipagbalikan, lalo mong pahirapan sa hindi pagsasabi ng tunay na dahilan, at kapag hindi ka pa rin n’ya tinigilan, sabihin mong may iba ka na, kahit wala naman talaga. Dahil dito, magiging exciting na ang buhay mo. Lucky Color: Feldgrau; Lucky Number: 0.257

SCORPIO (October 23-November 21) – Lalo kang manlalamig sa kanya ngayong taon, at hindi mo alam kung bakit. Magaling naman s’yang mangromansa, mabait din s’ya at lagi kang inaalala, pero sa di mo maintindihang kadahilanan ay bigla ka na lang manlalamig. Ito ang magiging hudyat para magkaroon kayo ng masidhing pagtatalo na hahantong sa, ano pa nga ba, isang madugong hiwalayan. Oo, madugo. Lucky Color: Caput Mortuum; Lucky Number: 10210

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Magkakabalikan kayo ng ex mo, pero ‘yun ay dahil sa matindi ang pangangailangan n’ya ngayon. Dahil sa pera mo kaya ka n’ya muling mamahalin. Gugustuhin mo naman ito kasi nga mahal mo pa rin s’ya. Ayos lang sa ‘yo kahit pa halos lahat ng kita mo ay napupunta sa kanya at sa anak n’ya du’n sa ipinalit sa ‘yo. Ayos lang din sa ‘yo kahit may anak na s’ya, patay na naman ‘yung asawa e. Lucky Color: Xanadu; Lucky Number: 45

CAPRICORN (December 22-January 19) – Magiging habulin ka ngayong 2014, na kahit pa mismo ‘yung mga taong hindi mo type e magkakagusto sa ‘yo. Susundan ka nila sa opisina, sa banyo, sa bahay mo, sa kwarto mo, sa aparador mo, sa taxi, sa bus, sa MRT at kung saan-saan pa. At sa dinami-rami ng mga naghahabol sa ‘yo, ni isa ay wala kang matitipuhan. Magiging perwisyo lang silang lahat sa buhay mo. Lucky Color: Chikadee; Lucky Number: -100

AQUARIUS (January 20-February 18) – Nakatakda kang ikasal ngayong darating na taon pero hindi s’ya matutuloy. Biglang magku-quit ang iyong magiging asawa dahil sa isang pagkakamaling magagawa n’ya ilang araw bago ang inyong kasal. At kahit mahal na mahal n’yo pa ang isa’t isa, pipiliin n’yo pa ring huwag ituloy ang kasal. Ito ang magiging daan upang magka-phobia ka sa kasal at pakikipagrelasyon. Lucky Color: Goldfish; Lucky Number: 163

PISCES (February 19-March 20) – Magkakaroon ka ng anak sa taong hindi mo naman talaga mahal. Dahil dito, hihiwalayan ka ng taong mahal mo talaga. May dalawa kang pagpipilian, pakasalan ang taong may anak ka o ipalaglag ang anak habang hindi pa ito lumalabas sa mundo. Kahit ano pa ang piliin mo, hindi ka rin magiging masaya. Nang dahil sa ilang minutong ligaya, habambuhay kang magdurusa. Lucky Color: Wisteria; Lucky Number: 8-7000

Advertisements