Pakyu ko talaga

by Sankage Steno

Hirap na hirap ‘yung tiyan ko, grabe. Akala ko puso ko lang ang nabibigatan. ‘Yun o! Pwera biro, sobrang bigat nila pareho ngayon. Pinipilit ko kasing kumain nang madami para madagdagan nang kaunti ‘yung aking timbang. Kaunti lang naman. Ayokong tumaba ulit kasi mahirap nang magkasakit.

Nabibigatan naman ang damdamin (wow, big word) ko ngayon kasi nga, e basta, ‘yun na ‘yon. Hindi pa ‘ko fully nakaka-recover e. Simula pa lang, so baka abutin pa ‘to ng ilang linggo o ilang buwan.

Ayos lang sana kung tiyan lang ang nabibigatan ngayon, kasi alam kong by tomorrow, back to normal na s’ya. E kung ‘yung isang parte ng katawan ang pag-uusapan, e hindi ko masasabi kung ano na lagay n’ya bukas, pero malakas ang kutob kong may pasanin pa rin s’ya. Shet, andrama ng start ng taon ko.

Ang hirap kasi nu’ng iniisip mo s’ya pero alam mong hindi ka naman n’ya iniisip. O kaya naman e nagsasaya s’ya tapos ikaw e mukhang ewan lang. Buti na lang at masaya kagabi kasi kasama ko ang buong pamilya. Hindi naman ako papayag na sasalubong ako sa bagong taon na nanlulumo. Nakatulong din ‘yung videokeng inarkila namin. Hindi ko talaga mapigilang kumanta kahit pa malat na malat na ako. Best therapy for me ang pagkanta.

Alam mo, minsan, sa sobrang pag-iisip ko, napapa-English ako sa utak. Kinakausap ko ‘yung sarili ko sa wikang banyaga. ‘Yung tipong, “Why me? What did I do wrong? Tell me how am I supposed to live without you? It’s not always rainbows and butterflies; it’s compromise that moves us along. Why can’t it be? Why can’t it be the two of us? Why can’t we be lovers?” Leche. May hangover pa rin ako sa videoke.

Ayan, mabuti pa ‘yung tiyan ko ngayon, hindi na masyadong masakit. In fairness sa pagsusulat dito sa blog, may halong healing power din. Akalain mong pinagaan n’ya ‘yung bigat ng tiyan ko. Sa puso kaya? Well, hindi ko man pansin, siguro kahit katiting e gumaan na ‘yung pakiramdam ko. Siguro after kong ma-publish ‘tong sinusulat ko, saka s’ya magkakabisa.

Sana naman hindi maging ganito kabigat ang taong 2014 ko. Ang tanga ko kasi e, pinatulan ko ‘yung gago. Napala ko tuloy. Although, gaya nga ng sabi ko, hindi ko s’ya pinagsisisihan; ang hirap nga lang kapag tapos na. E wala, gago rin ako e, so kagat lang nang kagat. Malay mo naman swertehin na ‘ko sa susunod. At pinapangako ko sa sarili kong may kasunod pa talaga. Mas palalalain ko pa ang kagaguhan ko this 2014.

Wasakan talaga ng puso, damay na natin pati atay, balumbalunan, apdo, lahat-lahat na. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ‘yung pang-nth kong kabiguan, pero go lang nang go sa love. Love? Tangina. Pakyu ko talaga.