Mas matalino pero mas mahirap

by Sankage Steno

I was talking with my demigod friends a year ago–which is, in reality, only a month or so ago–about our batchmates in high school, then, syempre, napunta ‘yung usapan sa kung ano na ang mga trabaho nila ngayon, nasaan na sila, sino na ang may asawa, sino na ang may anak pero walang asawa, sino na ang buntis at nakabuntis, sino na ang lalong gumanda o pumogi, sino na ang mayaman… then our perfect world stopped rotating around its axis for a split second.

And then it hit us like a whiplash.

Habang iniisa-isa namin ‘yung aming mga ka-batch at sinasabi ‘yung mga trabaho nila ngayon, plus ‘yung estimate namin sa kanilang kinikita based on sa kung ano ‘yung alam namin personally vis-a-vis du’n sa mga pino-post nila sa Facebook, Instagram at other social networking sites, we figured that we’re losing the rat race (um, yeah, we’re all rats in a way) as compared to them.

Tapos naisip namin na itong mga taong ‘to e ‘yung mga suki ng prefect of discipline noong high school, ‘yung mga mahilig mag-cut ng klase, ‘yung mga joker sa classroom, ‘yung laging may bagsak kada matatapos ang quarter, ‘yung mga maagang nagsipag-boyfriend o girlfriend, etc. In short, sila ‘yung karamihan ng nasa non-star/pilot section.

In short-short, mas matalino kami sa kanila… academically.

So lutang kami bigla, parang, tangina, shet, kung sino pa ‘yung mga problem child o student noon, sila pa ‘yung mas successful ngayon financially at, sige na nga, pati sa love life. Tapos kaming mas matatalino pagdating sa acads (and we like to think na street smart din kami because we’re living in the urban jungle of Metro Manila independently), kami pa ‘yung hindi makaipon, “maliit” ang sweldo at sawi sa pag-ibig.

Nawindang talaga kami ng mga demigod kong kaibigan. I mean, sa loob-loob namin (at sa labas-labas, fine), ang tanong namin was/is, pa’nong nangyari ‘yon? Nagkamali ba kami sa pagiging masunurin sa blue book (rules and regulations) ng school kaya kami nagkaganito, when from the very beginnning e dapat ang sinusunod namin ay ‘yung blue book ng real world? Ng life?

Masyado yata kaming nagpaka-ideal.

Kaya, natural, kinukwestyon na namin ngayon ang pagiging ideal namin sa mga perspective sa buhay at ang pagiging holistic when it comes to learning. Sa kakatalakay kasi namin sa same topic, may hypothesis kami na kaya sila mas successful sa amin, in terms of job (or career) e dahil nag-focus lang sila sa isang set of skills na “bentable” sa real world, samantalang kami, ako na mismo in particular, ay nag-venture sa napakaraming trades, with a major on a not really “bentable” skill (which is writing sa akin).

Oo, jack of all trades, master of none. Parang ganu’n. Parang.

And so, finally, we asked our perfect selves, ano na? Things like mag-MA para madaling umakyat sa corporate ladder and mag-put up ng business and get-out-of-our-comfort-zone whatchamacallit came up after that. Andami naming naisip na ideya para lang makaariba sa rat race na sinalihan (o binuo) namin at para matapatan, kung di man maungusan, ‘yung iba naming ka-batch na mas successful.

Pero in the end, or to be precise, hanggang sa kasalukuyan, andito pa rin kami sa parehong trabaho, parehong apartment na tinitirhan, parehong sorry state of love life, parehong topic na pinag-uusapan tuwing magkikita, parehong angst sa buhay, parehong mga pangarap na pangarap pa rin at parehong kami. Nothing’s changed.

E hindi naman kami miserable. Napagtripan lang naming ikumpara ang sariling buhay sa buhay ng iba. Yeah, yeah, I know what you’re thinking. Pero! So there. Just some musings of the demigods.

P.S.
Hindi kami ‘yung nasa picture.