Half a choice

by Sankage Steno

Kasi nga hindi tayo talaga masaya.

Pautot lang palagi ‘yung sinasabi natin sa sariling “I’m content with what I have,” “How can you not be thankful,” “[Insert date/month/year], please be good to me,” “I had a blast,” “Carpe diem,” “Count your blessings,” “I made the right choice,” “Tomorrow is another day,” at ang pinakamabenta sa lahat na “Happiness is a choice.”

Pardon me for being uncouth. Two words for all of that: Bull + Shit.

I’m not denying the wisdom of these words. No. Never. Pero di ko naman kasi pinag-iiisip ‘yan nu’ng bata pa ‘ko. Dati, payagan lang ako ng lola kong paglaruin ng family computer for half a day, masaya na ‘ko. Kapag ang ulam namin ay longganisa, masaya na ‘ko. Kapag nakatakas kaming magkapatid sa tanghali sa pagpapatulog ng tita namin, masaya na ‘ko. Kapag nanghuhuli kami ng tutubi tuwing tanghaling tapat, masaya na ‘ko. Kapag nakapagpalipad ako ng saranggola, masaya na ‘ko.

Ngayon, natapos ko na’t lahat ang laro sa iPad at computer, bored pa rin ako. Kahit may trabaho akong pinagkakaabalahan araw-araw at kumikita ng sariling pera, hindi pa rin ako kuntento. Pupunta ako sa malalayo at magagandang lugar, magagandahan ako at malilibang, pero pag-uwi, biglang ambaba ulit ng happiness meter ko. Ako na nga ang nagmahal at naging mabuting tao, ako pa ang sawi at talunan. The fuck is that?

Bago ako lumuwas nitong Lunes, dinampot ko ‘yung librong The Power of Purpose, na bigay sa ‘kin ng kaibigan ko, du’n sa tambak ng mga libro ko sa kwarto. Pero Huwebes na ngayon, hindi ko pa rin nababasa. I just couldn’t bring myself to read that damn self-help book. What for? Ayoko e. Bakit ako babasa ng self-help? Humihingi ba ‘ko ng tulong?

Jaded, yeah, sa tingin ko nga.

Tapos nagkita-kita kaming magkakaibigan kagabi. Ang saya kasi nakita ko ulit sila at nakasama. Seryoso, nagsaya ako, and I didn’t even think about being happy that time. Basta naging masaya ako. Pero ang laman ng mga kwentuhan namin, puro kasawian sa buhay, na nai-injectan ng patawa at biruan. E du’n tayo magaling e, sa pagpapagaan ng mga pasanin sa buhay. Na ikinatuwa ko rin naman. Pero, pramis, wala akong maalalang kwento ng kaligayahan sa buhay na nai-share kagabi.

So it’s like that. Lahat kami ay in search of happiness. Any takers? And the fact na naghahanap kami ng happiness (sa bagay man o sa tao, consciously man or unconsciously) at pinag-uusapan namin ang happiness mismo can only mean one thing: hindi kami masaya.

Siguro normal lang, ‘yung hindi kami depressed at hindi rin naman ecstatic, pero kung lalagyan ng percentage e baka mas lamang ng five to 10 ‘yung side ng depression. ‘Yung tipong kung nagkataong wala pang trabaho o kaibigan, e for sure nasa kailaliman na kami ng spectrum ng kasiyahan.

Habang bagot na nagbabasa ng posts sa Facebook kanina, nasagasaan ko ‘tong status ng isa kong kaibigan, na s’ya rin mismong naging ugat ng sinulat kong ‘to ngayon. Galing ‘to sa The Passion ni Jeanette Winterson. Sabi n’ya,

“I was happy but happy is an adult word. You don’t have to ask a child about happy, you see it. They are or they are not.

Adults talk about being happy because largely they are not. Talking about it is the same as trying to catch the wind. Much easier to let it blow all over you.”

Kaya nahihirapan na ‘kong kagatin ang magic sentence na “Happiness is a choice.” E pinilit ko ngang ‘wag nang saktan ang sarili ko sa pag-alis sa isang stressful na relationship, sumaya ba ‘ko? Hindi. Nawala ang stress pero hindi napalitan ng happiness. Well, don’t think I’m being cynical about love or anything. I’m just being, well, being real.

So kung happiness is not a choice, does it follow na happiness is destiny? Err, ayokong ipaubaya lahat kay chance o kay fate o kay God o kay Higher Being ‘yung ganyang nakakaadik na bagay, so let me just say na ang happiness is half a choice.