Celibacy is the key to success

by Sankage Steno

Sabi ni Kris Aquino ‘yan, so let’s use her wisdom to judge ourselves.

Note: Nakuha ko lang ‘yan sa balita from ABS-CBN online. Sobrang dami kasing nangyayaring matindi sa bansa ngayon kaya dapat pagtuunan natin ng pansin itong harmless news about Kris and her celibate life.

First, allow me to quote from the news. It was an interview by Boy Abunda, at eto ang tinuran ng ating mahal na si Krissy,

I know my priorities siguro kaya na bi-blessed because I don’t have sex.

This is one for the books. Antagal-tagal ko nang pinaglalaruan sa utak ‘tong philosophical question na “What is the key to success?” tapos sa isang Kris Aquino ko lang pala malalaman ang kasagutan. You have my heartfelt thanks, Krissy.

Kung susundan natin ang logic ng karunungang ito, masasabi rin nating successful ang mga pari, madre, monghe, mongha, single ladies, single lads at lahat ng walang sex life. Take note, hindi pinag-uusapan dito ang virginity. Ang sinasabi ni Kris ay celibate life o ‘yung buhay sa ngayon na free of any sexual activity.

Ergo, ang pinaka-successful na tao ngayon sa buong mundo ay hindi si Mark Zuckerberg o si Bill Gates o ang lahat ng Chinese sa sangkalupaan at sa sangkaragatan ng South China Sea. Ang pinakamatagumpay na taong nabubuhay sa ngayon ay walang iba kundi si Pope Francis.

I really like this pope, so I would have to agree with this totally.

Ang ilan naman sa mga taong hindi successful ay sina Vic Sotto at Pauleen Luna, Mar Roxas at Korina Sanchez, Miley Cyrus, Justin Bieber, and ‘yung player kong “ex” na hindi ko na lang papangalanan kahit hindi naman s’ya nagbabasa ng blog ko, kasi baka lalo akong magmukhang bitter.

Ergo, ang pinaka hindi matagumpay na taong nabubuhay ngayon sa mundo ay hindi ang mga haliparot o prostitute, hindi rin ang mga AIDS patients, at lalong hindi ang mga rape victims. S’ya ay walang iba kundi si Hugh Hefner, ang pasimuno ng Playboy magazine.

Hindi ko s’ya feel, so I would have to agree with this totally. Nakakalungkot.

Saan ko naman ika-categorize ang sarili ko using the quintessential wisdom of Kris Aquino? Kung celibacy ang pagbabasehan natin ng success ng isang tao, I would have to say na ako ay