Kapag Mamamatay Ka Na

by Sankage Steno

Lalo kang kakapit sa buhay … nang matindi.

At least ‘yan ‘yung naiisip ko. Kapag kasi depressed ako o nasa isang delikadong sitwasyon na pakiramdam ko e hindi na ‘ko aabutan ng bukas, lalo kong naa-appreciate ‘yung buhay ko, na para bang gusto kong namnamin ‘yung bawat sandali at patagalin iyon sa abot ng aking makakaya.

Kaninang umaga, pagdating ko sa opisina, ibinalita sa ‘kin ng isang katrabaho na nag-suicide daw ‘yung isang gwardya sa building namin. Hindi ko alam ‘yung detalye, basta ang nasabi lang sa ‘kin e nagbaril daw ng sarili sa kanilang bahay. Hindi ko alam kung ano ‘yung pinagdaraanan n’ya, pero medyo naiintindihan ko ‘yung “tapang” sa pagpili ng kamatayan kesa sa buhay.

Kaya ko sinabing tapang ay dahil takot akong mamatay. Kapag takot ka kasi sa isang bagay, natural, hindi mo ito lalapitan o gagawin, pero kapag nilapitan mo o ginawa ‘yung bagay na kinatatakutan mo, matapang ka. Following that reasoning, masasabi kong matapang ‘yung nagpakamatay na gwardya.

Now I’m not saying na magpakamatay ka to prove na matapang ka nga. There are more ways of showing courage or bravery, at isa nga ‘yung patuloy na mabuhay sa mundong puno ng problema at pasakit.

Parang si Hercules nu’ng pinatay n’ya ‘yung kanyang pamilya after n’yang maging berserk. It would be an easy way out to commit suicide para pagbayaran ‘yung nagawa n’ya, pero that’s cheating. It would be braver to live each day na nakokonsensya at pinagdurusahan ‘yung kasuklam-suklam na ginawa n’ya sa mga mahal sa buhay.

That’s another form of katapangan na alam ko.

So I guess it’s also unfair and immature to say or think na ‘yung mga nagpapakamatay ay mahihina, like ‘yung nangyari kay Kristel Tejada na nagpakamatay diumano dahil wala s’yang pambayad ng tuition sa UP. It’s so easy to judge her actions, palibhasa wala tayo sa kalagayan n’ya.

Bakit naman ako napunta sa topic na ‘to?

‘Yung isa ko kasing kaibigan (na blogger din) ay niregaluhan ako ng aklat, ‘yung Veronika Decides to Die ni Paulo Coelho. Nahirapan akong tapusin ‘yung aklat, not because mahirap s’yang basahin, pero dahil sa tuwing may mababasa akong linya, nakaka-relate ako, so I would stop reading and reflect. Laging ganu’n sa halos bawat pahina ng libro.

At ‘yung isa nga sa punto ng kwento ay ‘yung title ng thesis ni Dr. Igor, isa sa mga karakter sa nobela. Ano ‘yung title? Eto: An Awareness of Death Encourages Us to Live More Intensely.

Astig ‘no?

Matagal ko nang alam ‘yun sa sarili ko, pero iba pa rin kapag may ibang taong nagpapamukha sa ‘yo ng isang bagay na alam mo na (pero parang taken for granted). That’s why we need artists, especially writers, sa mundo.

For that, I want to thank my friend, Beauesprit12, and her “beau” in life for gifting me with not one but two books by Coelho. Isusunod ko nang basahin ‘yung isa, pero nanamnamin ko muna ‘yung Veronika. That’s how it is to live after all. Dapat may pagnamnam na nagaganap.