Life = P50,000

by Sankage Steno

Apparently, ‘yan lang ang halaga ng buhay ng isang tao, particularly ng isang Pilipino. Mas maliit pa pala sa kinikita ng isang minimum wage earner taun-taon ang halaga mo at halaga ko. Hindi ko talaga in-expect na ganito lang tayo kamura.

Nakuha ko ‘yung halagang ‘yan hindi sa isang scientific study kundi sa isang balitang nabasa ko sa Inquirer.net. Kung di mo pa s’ya nababasa, eto, magbasa ka muna: Gun-for-hire gang busted in Batangas.

Bale pumapatay ng mga tao ‘tong grupong ‘to sa halagang P50,000 up to P150,000. Grabe lang ha, napakaliit nu’n. Baka nga malaki pa kitain ko kung ibenta ko ‘yung atay ko e. What more pa kung ‘yung bone marrow ang binenta ko sa black market para gawing bulalo? Taraglis.

Karaniwan daw sa pinapapatay sa grupong ‘to e ‘yung mga witnesses sa murder cases, mga small landowners na ayaw magbenta ng lupa, and I assume kahit na sinong makabanggaan ng mga pulitiko at ilang mayayamang tao d’yan sa paligid, specifically sa Batangas kung sa’n naka-destino ‘yung grupo.

Medyo natuwa lang ako sa isang detalye: kung pa’no sila trumabaho. May pagkakatulad kasi sa sistema ng mga shinobi sa Natuto, kung nanonood ka man nu’n. Sana.

Ayon sa dating member na tumiwalag at nagsumbong sa NBI, kapag may papatayin daw sila, bubuo sila ng three-man team. O di ba, parang sa Naruto lang talaga? (Walang medic ninja, sorry naman.) ‘Yung isang member ang bubuntot sa target, at s’ya na rin ang magte-text sa dalawa pang kasama kung sa’n matatagpuan ang kanilang papatayin. Upon confirmation, saka ngayon susugod ‘yung dalawa para itumba ang kanilang target.

Ewan ha, pero nagagalingan ako, pota.

I’m assuming na rin na ang style nila e ‘yung riding-in-tandem, ‘yung nakasakay sa motorsiklo: isang driver at isa ‘yung may hawak ng baril a.k.a. assassin/murderer.

Kapag napatay na nila ‘yung taong target, saka pa lang daw ibibigay ‘yung kabuuan ng bayad. Ibig sabihin, kung hindi nila napatay o kung ibang tao ang nabaril nila (mistaken identity), may chance pang hindi nila makuha ‘yung bayad. Isipin mo ha, ‘yung P50,000, paghahati-hatian ng at least tatlong tao, so magkano na lang talaga ang bayad ng isa?

Kulang P17,000.

‘Yan lang talaga ang presyo ng buhay natin. Jusme. Sana naman ‘yung magpapapatay sa ‘kin balang araw e maging galante. Ayoko namang mabalita o malaman ng mga kaibigan at kamag-anak o kaaway ko na ‘yung ibinayad lang pala para ipapatay ako e kayang kitain ng isang call center agent sa isang buwan.

How third-world naman ng presyuhan sa ‘tin. Hindi lang pala labor ang cheap sa Pilipinas, pati pala buhay. Lintek.