Bili Lang Nang Bili

by Sankage Steno

Consumption-driven ang ekonomiya natin ngayon. In other words, kaya tayo “umuunlad” e dahil mahilig bumili nang bumili tayong mga Pilipino ng kung anu-ano. Patunay nito ang sangkatutak na at sobrang lalaking malls sa bansa.

At sa’n naman natin kinukuha ‘yung pambili natin? Two major wealth wells: perang padala ng mga OFWs at perang galing sa BPOs.

Ito ‘yung dalawang pinakamalalaking sources natin ng pera sa ngayon. Kung wala ‘yung mga kamag-anak nating nagtatrabaho sa ibang bansa at kung magsisialisan ang mga BPO companies na nasa Pilipinas, mawawalan tayo ng perang pambili ng iba’t ibang bagay at, eventually, hihina o babagsak ang ating ekonomiya.

Ano pang ibig sabihin nito para sa ating mga Pilipinong hindi biniyayaan ng apelyidong Sy, Ayala, Gokongwei, Tan, Consunji, Ang, Tancaktiong, Marcos, Pangilinan, etc.? Sa aking palagay, nangangahulugan din ito na hindi sustainable ‘yung pag-unlad ng bansa natin, o ‘yung tipong hindi pangmatagalan kasi walang nabubuong trabaho na stable o pwedeng panghabambuhay.

Alam naman nating karamihan sa OFWs e contractual lang at sa BPOs naman, although mabilis ang promotion, mataas din ang turnover rate o ‘yung mga nagre-resign. So hindi nga s’ya ganu’n ka-stable. At oras na tumaas ang halaga ng piso (mag-appreciate against the dollar), lalong lalaki ang chance na mag-alsabalutan ‘tong mga BPO companies at lumipat sa India o China.

Ano ngayon ang solusyon para makagawa ng stable na trabaho? Answer: Attract foreign investors. Improve the industrial and manufacturing sectors. Problema: Mahal ang singil ng kuryente sa atin. Plus, kulang pa tayo sa infrastructure (kalsada, tulay, airport, pier, etc.). Good Side: Mura ang bayad/sweldo sa mga manggagawa sa atin.

So may pag-asa pa naman basta ipagpatuloy lang ang good governance. Kasi kapag maganda ang patakbo ng gobyerno sa bansa, makapagpapagawa tayo ng maaayos at maraming infra projects.

Pero ang isa sa mga nakikita ko pang solusyon dito e ‘yung magkaroon tayo ng local investors. Masyado kasi tayong naka-focus sa foreign investors e, kasi sila ‘yung may pera. Dapat siguro dumami pa ‘yung mga entrepreneurs sa bansa para marami ang negosyong mabuo. Kapag maraming negosyo, syempre dadami rin ang mabibigyan ng trabaho.

Saka nakakasawa na rin na ‘yung pare-parehong apelyido ang naririnig natin sa balita pagdating sa business sector. Dapat madagdagan na sila. Kaya dapat padaliin din ng pamahalaan ang proseso sa pagkakaroon ng negosyo. Impyerno kasi sa dami ng papel at sa hirap ng proseso.

We need a stronger middle class. Karamihan kasi ng kayamanan ng bansa e nasa iilang pamilya lang. E pa’no nga naman uunlad nang husto ang Pilipinas? Kaya go, start your own business! Tapos palaguin mo. At bili lang nang bili.

Did I mention na consumption-driven ang ekonomiya natin ngayon?