Top 5 Forgotten Places to Say ‘I love you’

by Sankage Steno

It’s Friday na! Kelan ka huling nagsabi ng “I love you” o “Labyu” o “Mahal kita” o “Iniibig kita” (May nagsasabi pa ba nito ngayon?) sa asawa mo? O kahit sa gf/bf mo? Sa partner mo? Fine, kahit sa mga magulang, kapatid at mga kaibigan? Lolo at Lola? Kamag-anak? Ano, kelan?

Good for you kung may napagsabihan ka na lately. Never mind kung hindi man s’ya nag-“I love you too.” That’s beside the point. Ang importante, may laman ‘yung puso mo. Tumitibok. So, buhay ka.

Para naman sa mga hindi o hindi pa nagsasabi, anyare? Anong problema? Hindi mo feel? Hindi ka expressive? E in action, ginawa mo ba? Hindi rin? Ano pang hinihintay mo? Naghahanap ka ng magandang lugar at timing? ‘Yung romantic? Fine, I’ll accept that excuse for now. Whatevs.

As for the rest of you, kawawa naman kayo. Anyway, let me help you by sharing this trivia. Baka lang makatulong kahit papa’no. Ipapaalam ko sa inyo ngayon ‘yung bago kong discovery: The top 5 forgotten places where you should say “I love you.”

  1. Wherever you are right now. Seriously, what’s your excuse? Meron kang cellphone, personal computer, mobile gadget, bibig at kamay, so bakit di mo pa sabihin sa kanyang mahal mo s’ya? Alam na n’ya ‘yon? E di ba minsan kahit alam mo na, kailangan pa ring ipamukha sa ‘yo? Kung wala ka namang ginagawa ngayon, tawagan mo na s’ya. O sige, kahit text.
  2. On the road. Traffic ‘no? Friday kasi e, uwian pa. Kesa maburat ka d’yan sa kinalalagyan mo, bakit di mo kontakin ‘yung labidabs mo at sabihan ng isang matamis (kahit pa-joke) na “Labyu”? Two syllables, five letters na lang ‘yan ha, baka mahirapan ka pa. Dami mong isyu sa katawan e. ‘Wag ka nga!
  3. In the workplace/school. E kasi naman ang busy-busy mo masyado. Alam ko namang mahalaga ‘yang ginagawa mo d’yan, pero take a break. Relax. Keep calm and say “I love you.” Pramis, nakakawala ng stress ‘yan. Trust me, nagawa ko na. Hindi mo naman kailangang ipaalam sa boss mo o iparinig sa kasama mo. ‘Yung patago, para mas intense.
  4. In the house. Siguro sawang-sawa ka na sa mukha n’ya kasi araw-araw o gabi-gabi mong nakikita. E ano ngayon? That’s not a valid reason to not say na mahal mo s’ya. Hindi naman required na sabihin araw-araw o tuwing aalis o darating ka ng bahay. Baka lang kasi matagal nang hindi naririnig ng dingding n’yo ‘yung mga salitang “love” o “mahal.” Baka lang naman, di ako sure.
  5. Anywhere when you’re away. O di ba ang lungkot, anlayo mo sa kanya? Tawagan mo na kasi at sabihan ng “I love you.” Hindi mawawala ‘yung lungkot mo, pero at least nasabi mo sa kanya. Kung may mangyari mang di kanais-nais sa ‘yo o sa kanya (Not that I’m wishing for it), at least sure ka o s’ya sa pagmamahal mo.

Ayan ha, nai-share ko na. Meron pa ‘kong bonus. Eto sample work ng isa sa mga personalities ko. Sankage No. 14, pasok!

Sankage No. 14: Tol! Pota, musta na? Let’s cut the chase, bro. Eto. Kunwari may nakalimutan ka, pare. Tawagan mo si labidabs mo out of the blue. Basta for no apparent reason, bro, call him or her. Okay lang din sa chat o text, ‘tol, pero mas effective ‘pag voice. I dare you, pare. Trust me.

“O bakit ka napatawag?” tatanungin n’ya sa ‘yo.

Sasagot ka, “E kasi me nakalimutan ako.”

“Ano ‘yon?” magtataka s’ya.

“Nakalimutan kong sabihing mahal na mahal kita.”

Boom! You’re welcome.