Pa’no po gumawa ng baby?

by Sankage Steno

May inatenan akong event nu’ng Sabado sa SMX Convention Center sa SM Aura. By the way, gusto ko lang sabihin na first time ginamit ‘yun, ergo, isa ako sa mga nakapagbinyag ng venue. Wala lang, gusto ko lang ipagyabang kahit wala namang sense.

Going back, marami akong napulot sa event na ‘yun na saka ko na lang ibibigay ang detalye kasi hindi pa napa-publish ‘yung story ko. Hintayin n’yo na lang sa timeline ko ‘yung link kapag lumabas na.

Isa sa mga tumatak sa isip ko e ‘yung tungkol sa sex education. Sabi nu’ng speaker, dapat daw e “[p]arents should get in first.” Meaning, ang mga magulang daw dapat ang unang nagtuturo sa kanilang mga anak tungkol sa sexuality at hindi ang mga guro sa paaralan, mga kabarkada, media o kung sinu-sino pa. Dapat una ang magulang, period! Este, “.Β pala.

Natawa ako. Isa ito sa mga coverage na hindi nagsasalubong ‘yung personal kong paniniwala sa paniniwala nu’ng taong kino-cover ko. At, natural, hirap akong isulat ‘yung ganitong mga kwento kasi dapat palabasin kong objective ako du’n sa article kahit (I personally believe this) objectivity is just in theory.

Ayokong ipaliwanag ‘to sa ngayon. It warrants a lengthy discussion in another blog entry. So, hanggang du’n na lang muna tayo sa objectivity.

Ngayon, after hearing what the speaker said, nilapitan ko s’ya at tinanong kung pa’no dapat ituro ng magulang sa mga anak ‘yung sex education. Ang sabi n’ya sa ‘kin, ‘wag daw dapat isang bagsakan na usapan. Dapat daw e unti-unti at may kasamang pagmamahal.

I don’t know kung pa’no ‘yung unti-unti at may kasamang pagmamahal, so pagaganahin ko na lang ‘yung imahinasyon ko sa pagsagot sa katanungan ng isang batang walang kamuwang-muwang: Pa’no po gumawa ng baby?

Possible Answer No. 1:

Ganito ‘yan anak, nakikita mo ba ‘tong daliri ko? Itong hintuturo? Ipapasok ko sa ilong ko, tapos e kakalikutin ko ‘yung loob. Tapos nu’n, ipipihit ko pakaliwa at pakanan. Minsan ilalabas ko ‘yung daliri ko at ipapasok ulit. Paulit-ulit lang ‘yung proseso. In the end, after ilang beses maglabas-masok ng daliri, makukuha ko na ‘yung kulangot. ‘Yun ang baby. Parang ganu’n ka namin ginawa ng mama mo.

Possible Answer No. 2:

Anak, madali lang. Kunin mo ‘yung alkansya mo. Sige, subukan mong sungkitin ‘yung mga baryang hinulog mo sa loob. Sige lang, anak, try and try. Mahirap di ba? Pero exciting kasi alam mong may makukuha ka sa loob ng alkansya. Ituloy mo lang ang pagsungkit sa mga barya. ‘Wag kang titigil hanggat walang lumalabas. In the end, after ilang beses maglabas-masok ng panungkit mo, makukuha mo na ‘yung barya. ‘Yun ang baby. Parang ganu’n ka namin ginawa ng papa mo.

Possible Answer No. 3:

Listen, baby. It’s just simple. You see this Oreo cookie? Okay. Now, you twist it like this. There, very good. Then you lick it. Uhm-mmm. Delicious. Now put the two halves back together, then dunk it in your glass of milk. Finally, bite it! Well, that’s basically the process, although it’s not very exact. You’ll get what I mean when you grow up. Tee-hee!