PS4 Me

by Sankage Steno

Hindi ko inasahan ang swerteng dumapo sa ‘kin ngayong araw. Ni hindi ko nga ‘to hiniling sa Higher Being. Basta na lang s’ya ipinagkaloob sa ‘kin. Iba talaga kapag hindi ka nag-e-expect. Me gano’n?

May pinuntahan kasi akong event kanina. Fine, sasabihin ko na. Opening s’ya ng Skating Rink saka Bowling Center sa SM Mega Fashion Hall. So habang hinihintay ko ‘yung friend kong andu’n, pinaglaro n’ya muna ako ng PS4. Wala namang ibang game na available so nauwi ako sa NBA.

E hindi talaga ako naglalaro ng basketball kahit in real life. Hate ko ‘yung sport na ‘yun e. Sorry sa mga basketball fans. Hindi ko lang talaga gusto ‘yung sport, except kapag laban ng Pilipinas against other nations o kaya e kapag laban ng Ginebra sa PBA Finals. Ibang usapan na ‘yun.

Ang ine-expect ko pa namang laruin e RPG like Final Fantasy o kahit ‘yung Assassin’s Creed. E wala. Choosy pa ba ako e libre na nga? So pinagtyagaan ko na lang ‘yung NBA. E super tanga ko lang kasi hindi ko alam masyado ‘yung controls. Miami Heat pa naman ang pinili ko kasi sila ‘yung champion.

Wala lang, baka kako maipasa sa ‘kin ‘yung galing nila. Hindi tumalab.

Spurs ‘yung kalaban ko. Tinambakan lang ako ng potek. Pero sa umpisa lang naman. Inulit ko. Tapos, ayun, nagamay ko na kaya nahabol ko at naging one point na lang ‘yung lamang sa ‘kin. E kaso tinamad na naman ako kasi nga di ko naman gusto ‘yung laro, kaya tinambakan ulit ako.

Nagreklamo ako sa friend ko. Sabi n’ya na iilan pa lang daw ‘yung may PS4 sa Pilipinas kaya matuwa na ‘ko. E malay ko bang isa ako sa mga nakauna sa game console na ‘yun? Basta ang alam ko, ke PS1 to 1000 ‘yan o PSP, pare-parehong PlayStation lang sila sa ‘kin. E nganga ako dahil sobrang privileged ko pa palang makauna sa mamahaling PS4.

So thank you, Higher Being. At thank you sa friend ko dahil nakalibre ako ng laro. P120 yata ‘yung rental sa kanila per hour, tapos P180 kapag 2 players. Saglit lang akong naglaro, mga 30 minutes lang yata, so P60 lang ang katumbas nu’n. Hindi na masama.

Ang masasabi ko lang, ang ganda ng graphics, pramis. At ang swerte-swerte ko.