Beach Please

by Sankage Steno

Isasara na raw ‘yung Beach House Canteen sa UP Diliman? Epekto na naman ba ‘to ng pagiging soshal ng campus? Papalitan ba nila ng mas posh at ultra-exclusive na cafeteria ‘yung pwestong ‘yon malapit sa Main Library at Sunken Garden? Ano bang kaso?

Nabasa ko lang sa blog ni Con-Con San ‘yung tungkol sa napipintong pagsasara ng Beach House. Nakakalungkot talaga. Habang binabasa ko nga, bumubuhos ‘yung ilang masasaya, maiinit at kapana-panabik kong alaala sa lugar na ‘yon.

Gaya na lang nu’ng kumain kami du’n ng kaibigan ko ng barbecue at itlog na pula with kamatis isang tanghali. Ayun, nabusog ako. Ang ganda ng alaala ko ‘no? Mami-miss ko talaga ‘yung Beach House dahil dito. Pero, seryoso, ‘yung maliliit na memories na ‘to ‘yung talagang masakit kapag tuluyan nang natanggal ‘yung pamosong canteen.

Hindi ko alam kung pinal na ‘yung desisyon at kung may magagawa pa para hindi matuloy ang pagpapaalis sa kanila ng UP Administration. Pero pinal man o hindi, affected ka man o hindi, UP student ka man o others, baka naman pwede mong pirmahan ‘tong petisyon na ‘to sa Change.org.

Maraming salamat!

Saka kung hindi malaking abala sa ‘yo, baka pwede ring i-like mo ‘tong fan page sa Facebook para lumabas sa news feed mo ‘yung latest chika sa isyung ito. Malay mo, d’yan mo pa ma-meet sa site na ‘yan ‘yung The One. O kaya baka i-like din ‘yan ng ex mo, tapos makikita n’ya ‘yung profile pic mo, tapos magkaroon kayo ng One More Chance.

Hindi na masama, di ba? Nag-like ka lang naman.

Mas okay nang pag-aksayahan mo ng kaunting online time ‘tong request ko na ‘to. Kesa naman ang pag-aksayahan mo ng kaunting panahon e ‘yung isyu ni Vhong Navarro o ‘yung walang kalatuy-latoy na sarbey ng Myx tungkol sa Top 3 UP Student Problems daw. Bwiset.

Ganito na ba talaga ang demographics ng students sa UP naming mahal? No wonder ayaw na nilang kumain sa Beach House. Baka they think it’s so yucky and so kadiri to make kain there, that’s why they make punta pa to the UP Town Center or UP-Ayala Technohub, which are both so layo to the campus if you’re gonna make lakad.

I think that’s the reason talaga why they want to make tsugi the Beach House Canteen. How sad naman.