Open Prayer

by Sankage Steno

Dear God,

Thank you for this day. Okay, that’s the only good thing you’ll hear from me tonight. Grabe lang ha, sinubok mo naman ‘yung pasensya ko ngayong araw. Taraglis. Kapag bukas e inulit mo pa sa ‘kin ‘yung pinadanas mo sa ‘kin kanina, babatukan na talaga kita. Kala mo. ‘Wag ka lang magkakamaling magpakita sa ‘kin at siguradong tatamaan ka. Lintik lang ang walang latay.

At ‘wag na ‘wag mo ‘kong hihiritan ng free will-free will, ha? Alam ko, choice ko ‘yung ginawa ko kanina, pero kailangan ba talagang patagalin nang gano’n? Torture ‘yun a. Alam mo, kung pwede ka lang kasuhan, kinasuhan na kita. Andami mo na kayang atraso sa ‘kin (pati na rin sa mga kapwa ko). At kahit ga’no pa kagaling ‘yang lawyer mo, sure akong matatalo kita sa korte.

Ikaw kaya papuntahin ko du’n sa pinuntahan ko kanina? Ikaw kaya ang hayaan kong magtiis sa init, sa tagal at sa sakit ng ulo? I’m sure mamagic-kin mo lang ‘yun ‘pag napunta ka sa sitwasyon ko. Ganyan ka naman e. Madaya ka. Ayaw mong nasasaktan o nahihirapan, pero kaming mga tao na ginawa mo kasi bored ka, hinahayaan mo lang magdusa at magtiis sa napaka-perfect na mundong kagagawan mo rin.

The last clause before this was sarcastic, God. Baka isipin mo sinabihan kita nang maganda ulit after “Thank you for this day.”

Hindi ko alam kung anong kasalanan ang nagawa ko sa ‘yo at kailangan mo akong parusahan. Kung hindi man kaparusahan ‘yung ginawa mo sa ‘kin kanina, I’m thinking na isa na naman ‘yun sa mga pagsubok mo. So let me get it right. Hindi ko alam kung ano na naman ‘yang nakain mo, God, at napagtripan mo na naman akong subukan. Sana balang araw masubukan ko ring bigyan ka ng matinding pagsubok. Ang unfair mo e.

But I don’t want to take your place. Ayokong maging God. Ayokong maging katulad mo. Masaya na ‘ko sa pagiging tao. E ikaw ba, masaya ka ba sa pagiging God? Ayan tayo e. Magpapaka-omnipotent ka at omniscient, tapos kapag wala kang magawa, lilikha ka ng universe o mundo o tao. Tapos ang iri-reason out mo kung bakit mo ‘to ginawa lahat e dahil sa love. Love?

Alam kong alam mong sa isang relasyon, hindi sapat ang love lang.

Haynako. Tapos ang ending nito, ako na naman ang paparusahan mo. Fine, do whatever pleases Your Grace. Masahol ka pa yata kay Joffrey Baratheon (or is it Lannister?). Nanonood ka ba ng Game of Thrones? Ayun, parang ganu’n ka. Pasalamat ka at maawain ako. I’m not sure kung sinadya mong gawin akong ganito. So after all this rancor, I know patatawarin din kita. Shet, I can’t believe myself.

Kaya, sige, bibilang ako ng tatlo tapos quits na tayo.

Isa… dalawa… tatlo.

I forgive you, God. And I’m sorry, too. Now we’re even.

Amen.

https://i0.wp.com/getupwithgod.com/wp-content/uploads/GUWG-Prayer-Open-Hands.gif