Ay Sus Ginoo

by Sankage Steno

Tangina talaga mag-ayos ng papel sa government offices. Una sa NSO, tapos sunod naman sa BIR. Buti hindi ko sinabay ‘yung NBI at pasaporte, kundi baka nagpatiwakal na lang ako. Hindi lang pasensya ko ‘yung nasusubok e, pati ‘yung bargaining skills ko, stamina at budget. Pota talaga. Ang sarap magyosi at magmura nang walang humpay.

Pero syempre di ko ginawa ‘yun dahil baka lalo lang akong ma-delay sa mga kailangan kong tapusin. Buti na lang at expected ko na ‘yung ganitong pangyayari kaya naihanda ko ‘yung kalooban ko, pati na ‘yung katawan ko sa bugbugang lakaran at liparan. So hindi naman pala puro heartache lang ang dala ng pag-e-expect. I’ve somehow proven you wrong, pareng Shakespeare.

Kaya naman nang matapos ako today (because I feel like it’s not yet the end of my battles sa government offices), parang nabunutan talaga ako ng tinik sa lalamunan. Tinik ng butanding.

Sa sobrang ginhawa sa pakiramdam, nangingiti ako mag-isa sa loob ng MRT. Ewan ko kung may nakakita sa ‘king ngumingiting mag-isa. Wala akong pake. Basta masaya ako … for now. Pero malaking tulong din ‘yung mga naalala ko habang nasa byahe. Ewan ko ba. ‘Pag stressed talaga, lahat ng positive thoughts pinipilit kong isipin.

Muntik na ‘kong matawa sa loob ng tren nang maalala ko ‘yung kwento ng friend ko na sumakay ng MRT last night. Nakatulog kasi s’ya, tapos nu’ng nasa Guadalupe na, biglang nagsalita ‘yung driver ng MRT. E dahil sira ‘yung speaker, garalgal at ubod ng lakas ‘yung tunog. Nagulat tuloy ‘yung kaibigan ko.

Sa pagkagulat n’ya, napabalikwas s’ya from his sleep na nakabukaka ‘yung dalawang paa at dilat na dilat ‘yung mga mata. Stuff of slapstick movies. Hindi ko s’ya nakita in person pero sa kwento pa lang natatawa na ‘ko. Buti napigilan ko ‘yung sarili ko kanina sa MRT. Hanggang ngiti lang.

Tapos naalala ko rin bigla ‘yung ilang experience ko sa pagtuturo. Madalas kasi maaga ako sa klase, so habang naghihintay either nagbabasa ako ng book na hiram sa library o naglalaro ng PSP sa may corridor.

Natatawa ako kasi kapag naglalaro ako ng PSP, laging may tatabi sa ‘king estudyente. Kunwari, hindi ko napansin pero alam kong sumisimple na sa pagsilip sa nilalaro ko. Tapos after ilang minutes, close na talaga kami (spatially speaking) na kulang na lang e ipasok n’ya ‘yung mukha n’ya sa screen.

Ang nakakatuwa pa, hindi nila alam na “prof” ako. Sow pani. Lalo na kapag may bumati sa ‘kin ng “Good morning” o kaya e kapag pumasok na ‘ko sa classroom at nagsimulang magturo. Benta lagi ‘yung expression nila sa mukha. Syempre palihim din akong natutuwa kasi tingin nila mukha akong estudyante. Yihee!

Ayun. The things I think para lang hindi ma-stress. Ewan ko na lang bukas kapag pinagpatuloy ko na ‘yung pagpapakasakit ko sa bansang ‘to. Buti na lang may expression tayong mga Pilipino para sa ganitong sitwasyon. Di ko alam kung ano sasabihin ko kung di natin s’ya naimbento. Alam mo kung ano ‘yun?

Please see title.