Kantatero II

by Sankage Steno

Tuloy naman feeling ko ‘yung videoke night namin mamaya sa may … oops. Muntik na. Hindi ko dapat pala sabihin kung sa’n kami kakanta dahil baka magkaideya pa ‘yung ibang tao d’yan. Agawan pa naman ng slots du’n lagi kahit hindi weekend o araw ng sweldo.

At sobrang atat na ‘kong kumanta, pakshet. Btw, kaya nga pala may “II” ‘yung title ng blog ko na ‘to e dahil ka-title nito ‘yung sinulat ko noong Nov. 19. 2012. Wala lang. Ang konti ng creative juice ko sa katawan ngayon e. Sorry na. Labyu.

May isa kasi kaming acquaintance from the US na gusto naming ipasyal sa Maynila. Syempre, hindi pwedeng palampasin ang kantahan dahil d’yan tayo mahilig na mga Pinoy. I’ll make sure na hindi n’ya kakantahin ‘yung My Way. Mahirap na. (Pero nate-tempt akong kantahin s’ya. Good Lord.)

Normally, kapag may mga ganitong kantahan, naka-ready na sa utak ko ‘yung mga kakantahin ko. Ang pinakapang-warm up kong mga kanta e ‘yung Oo ng Up Dharma Down at ‘yung The Yes Yes Show o Silvertoes ng Parokya ni Edgar.

Kapag medyo nabanat na ‘yung vocal cords ko, saka ko titirahin ‘yung medyo mahihirap na kanta gaya ng Unwell ng Matchbox 20, Wherever You Will Go ng The Calling, Each Day With You ni Martin Nievera, Minsan Lang Kita Iibigin ni Ariel Rivera, Chasing Pavements ni Adelle at marami pang iba.

Alam mo, ang isa sa sakit ko (at feeling ko sakit mo rin) kapag nagbi-videoke e ‘yung naso-song block. ‘Yun bang sa dami ng kantang alam mo e wala kang maisip na gusto at kaya mong kantahin sa harap ng maraming tao. Samantalang kapag wala ka sa videokehan, napakarami mong naiisip na kanta. Kaya mabuti na ‘yung may listahan ka. Kebs na lang sa matatawa sa ‘yo. Pake ba nila?

Ayun, so kapag mahaba-haba na ‘yung kantahan at marami-rami na rin ‘yung nanomo, d’yan na dapat kinakanta ‘yung mga pambirit. Kapag malapit na ‘kong maubusan ng boses, du’n ko naman uupakan ‘yung mga kantang Pagsubok ng Orient Pearl na ni-revive ng Aegis at ni insan Daniel Padilla, saka ‘yung I Don’t Wanna Miss A Thing ng Aerosmith na ni-revive ni Regine Velasquez, at Bohemian Rhapsody ng Queen.

Mamaya, medyo iba ang lineup ko. Ayoko namang puro ‘yun at ‘yun lang ang kinakanta ko. Naghanda ako ng bagong songs na hindi ko pa nakakanta sa videoke (o kung nakanta ko man e nakalimutan ko na). Meron na ‘kong reggae sa aking playlist, tapos meron ding jazz/soul. Of course, hindi dapat mawala ang rap. Baka ‘yun ang unahin ko.

Sana hindi ako pumiyok. On second thought, sana pumiyok ako para mas masaya.

http://giphy.com/gifs/rWZZrpJl9Vpny