Kampai

by Sankage Steno

After many, many years of drinking alcohol, ngayon lang ulit ako nagka-hangover. Panginoon ko! Bakit naman ganu’n? Dalawang bote lang naman ng Red Horse ang tinira ko saka dalawang bote ng vodka. Marami na ba ‘yun? Ang sakit-sakit lang sa ulo. Nasuka pa ‘ko. Buti walang laman, liquid lang. Kadiri ‘pag may kasamang foods and stuffs. Argh!

Foods and stuffs? Kill me now.

Senyales na ba ito na hindi na ‘ko pabata? Signos na ba ‘to na dapat na ‘kong maghinay-hinay sa mga pinapasok ko sa tiyan? Napakahirap tanggapin. Nasa kalendaryo pa naman ‘yung edad ko, so hindi ko pa dapat pinoproblema ‘yung ganitong mga bagay. Ang hirap lang tanggapin ng katotohanan.

Katotohanan nga ba? Baka naman dahil hindi ko sinamahan ng pulutan kaya ako tinamaan. Siguro nga gano’n. Oo, ganu’n na nga. Iyon talaga ang dahilan kung bakit ako nagka-hangover.

Sige, Sankage, lokohin mo pa ‘yung sarili mo. Paniwalain mo ‘yang kokote mo na batang-bata ka pa at walang bisa sa ‘yo kahit lumaklak ka pa ng isang trak ng Red Horse o vodka (Sorry, sa kalasingan ko hindi ko talaga maalala ‘yung brand na inupakan ko kagabi.). Manalig kang darating ang panahon na wala nang talab sa ‘yo ang kahit anong alcoholic beverage. Immune ka na.

Shet talaga ‘tong konsensya ko. Lakas makaepal.

Pa’no na sa isang linggo? Balentayms pa naman. Por syur mapapalaban na naman ako sa inuman at sayawan. Walang problema sa sayaw, ang inaalala ko e ‘yung pahina nang pahina kong tolerance sa alcohol. Baka sa halip na dalawang bote e isa’t kalahati na lang inumin ko. Worse, baka mauwi na lang ako sa cocktails. Oh my zombie! Margarita! Weng Weng! Kamikaze! Russian Black! Sunrise Tequila!

Wait, not bad.

Pero traydor ‘yang mga ‘yan!

Compromise, Sankage. Compromise.

Leche! Hindi naman ako pulitiko. Pero, sige, pagbibigyan ko ‘yung konsensya ko. I promise hindi na ‘ko iinom ng dalawang bote ng Red Horse. I promise hindi na ‘ko magdadalawang bote ng vodka. I promise gagawin ko nang tatlong bote at sasamahan ko na lagi ng pulutan. Kampai!

Image