Pinoy Life Hacks

by Sankage Steno

Habang si Pangulong Aquino e pumipila sa LTO para mag-renew ng driver’s license at habang pinipigilan n’yang gumamit ng wang-wang sa kalsada, ito namang nakasabay ko kahapon e ang kapal ng mukhang lampas-lampasan kami sa gitna ng EDSA. Hindi ko alam kung sino ‘yung sakay nu’ng convoy na ‘yun ng mga Bentley, pero sure akong pulitiko. Nakakairita pa ‘yung tunog ng wang-wang nila.

Parang umuutot na nagpipigil.

Dahil sa kakupalan ng mayamang pulitikong nilampasan lang kami sa EDSA, bigla akong na-inspire na alamin pa ‘yung mga shortcuts nating Pinoy sa buhay-buhay. Ito ‘yung mga para-paraan natin para mapaginhawa ang iba’t ibang gawain sa araw-araw. Hindi ito kumpleto, at feeling ko e meron ka pang maiisip, so just fire away with your ideas in the comments. I’d appreciate it much.

Para-paraan No. 1: Lawit-Titi Galore

Kapag naiihi ka sa labas ng bahay at walang banyong malapit, ‘wag kang magpigil. Humanap ka ng poste o pader, harapin mo ‘yun at tumalikod sa crowd. Buksan ang zipper, ilabas ang titi at tira! Mark your territory! Kung babae ka, sorry na lang. Hindi ‘to applicable sa ‘yo, unless mas matindi kang exhibitionist at gusto mong magparaos sa public place.

Para-paraan No. 2: Piso-Piso Lang

Kapag nagtitipid ka o sadyang walang perang pamasahe o pambili ng lunch, humingi ka ng piso-piso sa lahat ng kaklase mo o kaopisina. Kung meron kang 40 classmates o officemate, e di meron ka agad na P40. E syempre hindi naman lahat may piso, baka ang iabot pa sa ‘yo e lima, sampu o bente. Ang swerte mo rin.

Para-paraan No. 3: Basurahan Everywhere

Kapag nasa sasakyan ka at walang trash bin sa loob, buksan mo lang ‘yung bintana at itapon sa labas ang iyong hawak na candy wrapper o soda can o tae. Applicable din ‘to sa ticket ng bus na pwede mong isuksok sa singit-singit ng upuan mo o nu’ng nasa harapan mo. Ang lahat ng lugar ay virtually basurahan ng karaniwang Pinoy.

Para-paraan No. 4: Sabit 1-2-3

Karaniwan ‘tong ginagawa ng may malalapit lang na destinasyon o ng mga kuripot. Sasabit sila sa jeep o sasakay sa bus, tapos hindi sila mag-aabot ng bayad. ‘Pag may konduktor, du’n ka lumugar sa dulo para hindi ka agad masingil. Tapos kapag malapit ka na sa bababaan mo, ‘wag nang pumara. Kung kaya mong lundagin, lundag na agad. Pagkabilang ng tatlo, takbo!

Para-paraang No. 5: Inguso Mo

Kung tinatamad kang magsalita o gumamit ng kamay para magturo ng direksyon sa isang naliligaw, gamitin ang iyong nguso. Hindi naman ibig sabihin nito e gusto mo s’yang halikan. Para sa ating mga Pilipino, hindi lang hintuturo ang pwedeng ipanturo. Basta tumutulis, swak na. So, yes, pwede mo ring panturo ‘yon.

Para-paraang No. 6: Kilayan

Gaya ng nauna, kung tinatamad kang magsalita o gumamit ng kamay sa pagbati sa isang kaibigan o kakilala na makakasalubong mo sa daan o kahit sa’n pa man ‘yan, gamitin mo na lang ang ‘yong kilay. Itaas mo lang at ibaba in a split of a second. ‘Yun na ‘yon. Understood na n’yang nakita mo s’ya, na-recognize at in-acknowledge ang presence.

Para-paraan No. 7: D’yan Lang Doon

Kapag may nagtanong sa ‘yo kung sa’n ka galing at ayaw mo talagang ipaalam o ayaw mo sa taong ‘yon, sabihin mo lang na “D’yan lang.” Kapag naman tinanong ka kung sa’n ka pupunta, ang sagot mo e “Doon.” Oo, vague s’ya, pero for sure tatahimik na ‘yung kausap mo. There’s nothing like a malabong usapan to end all gusot in da Pilipins.

Marami pa ‘yan, actually. Just think of the bureaucracy and scams sa bansa at marami ka pang maidadagdag na life hacks dito. But I’ll leave that to your critical mind na. Ayoko namang puro ako lang ang nag-iisip. Try mo naman minsan, go.