Game Over Flappy Bird

by Sankage Steno

Hulaan mo high score ko sa Flappy Bird.

1.

‘Yan lang kaya ng powers ko e. After kong maboplak nang ilang ulit, naubos na agad ang pasensya ko. Sinoli ko na sa kaibigan ko ‘yung iPhone n’ya at bumalik na lang ako sa panonood ng Game of Thrones Season 3 at sa pagsusulat ng tula.

Ayoko namang magpaka-competitive sa larong ‘to, e hindi ko rin naman ikayayaman. Wala rin naman akong skill na nabi-build up. Sayang lang ang time at effort, not to mention ‘yung energy na magagasta ko sa pagcha-charge ng device na araw-araw nalolobat.

So hindi rin ako masyadong nalungkot at affected nang mabalitaan kong tinanggal na ng developer nito ang Flappy Bird sa App Store at Google Play. Malabo ‘yung dahilan ni Nguyen Ha Dong sa naging desisyon n’ya. Ang sabi lang n’ya, ‘yung game daw na ginawa n’ya “ruins his simple life.”

I think that’s the price you pay for fame.

Pero kung sikat na sikat talaga ‘yung game mo sa buong mundo at kumikita ‘to ng $50,000 a day in advertising revenue, talaga bang tatanggalin mo ‘yung game?

Feeling ko maraming na-receive na threat si Nguyen dahil sa nakakabwisit at nakakatawa n’yang game (I subscribe to the latter.). Sa dami siguro ng haters n’ya e s’ya na mismo ang sumuko. On the other hand, baka naman may mas mabigat pang dahilan.

I’m thinking of copyright infringement.

Sobrang kamukha kasi ng mga pipe ‘yung pipes sa Super Mario game. Pati kulay at laki, kamukhang-kamukha. Hindi ko s’ya nalaro nang matagal pero pati rin yata ‘yung tunog ‘pag nakaka-score, katulad nu’ng sa Mario kapag nakakakuha naman ng coins. And I don’t think that’s a coincidence.

Siguro balak na s’yang kasuhan nu’ng Mario developers. ‘Pag nagkataon, kulang ‘yung kinikita ng game n’yang 50k a day para sa damages ‘pag natalo s’ya sa demandahan. Baka milyon pa ang bayaran n’ya, plus ‘yung malaking chance na makulong o matanggalan ng lisensya, if ever meron man s’ya no’n.

Oh well, ganu’n talaga ang buhay. I don’t think naman magtatagal talaga ‘tong larong ‘to. Gone are the days na talagang may game na nagtatagal at tumatatak like Super Mario, Final Fantasy, Pac-Man, etc. Sa sobrang high-tech natin ngayon, madali nang gumawa ng games.

At sa dami ng games, nawawala na ang retention value nito. Pati ‘yung sawa factor sa gamers, tumitindi na rin. Give it a month or two, for sure, may bago na namang flavor of the month. Parang blog o video o topic lang na nag-trend. Sikat ngayon, Hu u? bukas.