Exorcising Myself

by Sankage Steno

Nanaginip akong nasa isa akong panaginip na akala ko e kontrolado ko. Para mas malinaw, nagising ako sa isa kong panaginip, pero ‘yun pala e nananaginip pa rin ako, hanggang sa magising ako nang totoo. Or not. Baka nananaginip pa rin ako hanggang sa ngayon. Who knows?

Is this reality? What is reality? Is there really a reality?

Potek. Philosophical questions pa. Ayos lang naman sa ‘kin, uno kaya grade ko sa Metaphysics. ‘Yun o! Pero hindi ako makikipagtagisan ng talino sa iyo ngayon. Magkuwkwento lang ako, kasi feeling ko magugustuhan mo ‘yung nangyari sa ‘kin kanina dahil hindi s’ya maganda. People just love hearing about other people’s miseries, don’t they?

Eto na s’ya: Nasa isang bahay ako na pamilyar sa ‘kin sa panaginip pero sa totoong buhay e hindi ko talaga alam kung saan ‘yon. Tapos may kasama akong dalawa o tatlong tao na kilalang-kilala ko sa panaginip pero hindi naman pala talaga sa totoo buhay. Never ko silang na-encounter kahit sa TV o libro.

May ginagawa kaming nothing special, mundane at hindi na rin malinaw sa ‘kin nang bigla na lang nagdilim ang buong paligid at nakaramdam ako ng takot. Dito ko napansing nananaginip lang ako, so feeling ko e may control na ‘ko sa nangyayari. Lucid dreaming na kumbaga. Pero kahit alam kong nananaginip lang ako, I felt helpless pa rin.

Hindi ako makagalaw, although hindi pa naman kaso ‘to ng sleep paralysis. More on parang may pumasok sa katawan ko at sinusubukan akong i-takeover. Parang oversoul ba sa Shaman King kung nanonood ka no’n.

At alam kong hindi mabuting entity ‘yung bigla na lang pumasok sa ‘kin.

But it didn’t last long dahil may someone na to the rescue agad. Parang isa s’ya du’n sa dalawa o tatlong kasama ko kanina at nag-appear na lang  bigla sa kawalan. Lumapit s’ya sa ‘kin at binulungan ako sa kanang tenga. May sinabi s’ya about invoking God or something. So ako naman, bilang masunuring corporate slave, ginawa ko nga.

“In the name of God…” sabi ko.

Itutuloy ko pa sana sa Jesus at Holy Spirit, pero napigilan ko ‘yung sarili ko. Naalala kong hindi na nga pala ako naniniwalang Diyos si Jesus, pati ‘yung Holy Spirit, kaya di ko na sila in-invoke.

Akala ko e tatagal pa ‘yung paghihirap ko. Tumalab naman agad ‘yung pagiging invoker ko (DotA?). May something pang nangyari sa katawan ko e pero di ko maipaliwanag. Malabo na rin kasi. Basta ang ending, sumuka ako nang bonggang-bongga. Pagkasuka ko, nabalik ako du’n sa kaninang setting.

Du’n ko naisip na gising na ‘ko. Nu’ng sumuka na ‘ko, tinginan sa ‘kin ‘yung mga kasama ko at mukhang gulat na gulat. Ako rin naman gulat na gulat sa nangyari, at akala ko e tapos na lahat. Pero halos simultaneously sa huling buga ko ng suka, nagising ulit ako, at ‘yun na nga ‘yung totoo kasi nasa higaan ko na talaga ako e.

I don’t know what to make of it. Lately kasi e puro weird ang napapanaginipan ko. Not that I’m complaining. Gusto ko nga e, na-miss ko s’ya.

And’yang nanaginip akong nanood daw ako ng concert ni Katy Perry (hindi naman ako fan), tapos may mga dragons (dahil siguro kay Daenerys of House Targaryen), saka nagbabalsa sa isang esterong napakabaho na natsunami pa (baka dahil sa pagpunta ko sa Binondo), at marami pang iba.

I’m not Joseph the Dreamer, so baka wala lang ‘yung mga panaginip ko, pero kung may meaning man s’ya, wala na ‘kong pakialam. Ayoko namang pangunahan ng mga bagay na wala akong kontrol. Ie-enjoy ko na lang ‘yung palabas.