Usapang Macho

by Sankage Steno

Bale ganito, nakatayo lang ako sa gilid ng EDSA kanina, nag-aabang ng bus papasok sa opisina, nang biglang may tatlong lalaking lumapit sa likod ko. Don’t worry, hindi naman ako naholdap, although mas maganda sanang kwento ‘yun ngayon. Ang nangyari, nagkukwentuhan sila, e ang lakas-lakas ng boses na ‘kala mong nasa kabilang burol ‘yung kausap.

Lalake 1: Ok ba du’n?

Lalake 2: Tangina, da bes tapa du’n, puta!

Lalake 3:

Kailangan talaga may mura? Tangina. Hindi pa natapos du’n. So hintay-hintay pa sila ng bus, gaya ko.

Lalake 2: Tangina, alang LRT. Tagal ng bus, puta.

Kahapon naman, habang naglalakad sa isang parke malapit sa pinagtatrabahuhan ko, may dalawang foreigner na lalaking dumaan sa harap ko, at narinig ko nang bahagya ‘yung kanilang pag-uusap.

Foreigner Guy 1: What’re your plans for Valentine’s?

Foreigner Guy 2: I don’t give a fuck about Valentine’s, man. Blah, blah, shit, man. Fuck, blah, blah…

Naisip ko, ganito ba talaga dapat mag-usap ang mga lalaki? Pilipino man o banyaga? Masamang magmura, puta. Pero marami akong kilalang taong nagmumura pero hindi naman masasama. Marami rin akong kilalang tao na hindi nagmumura pero alam kong masama ang ugali.

To each his own.

So dahil du’n sa dalawang conversations na narinig ko kanina at kahapon, napaisip ako: Pa’no kaya kung ibahin ko ‘yung paraan ng pag-uusap ng mga lalaki? Aalisin ko ‘yung mura at papalitan ko ‘yung topic nila. Parang ganito:

Lalaki 1: Ambango ng buhok mo, bro. Anong wax gamit mo?

Lalaki 2: Salamat, pre. Napansin mo pa talaga ‘yun? Bench Fix lang ‘yan.

Lalaki 1: Ambango talaga. Paamoy nga… Mmm.

Lalaki 2: Gusto mong i-touch? Go lang.

Lalaki 3:

Bongga ‘no? Parang biglang nagtayuan ‘yung balahibo ko sa batok. And it’s not a bad thing, I’m telling you. Masarap kaya sa pakiramdam kapag tinatayuan ng balahibo sa katawan. Aminin mo, masarap ‘yun.

Try ko naman ngayon sa mga foreigner.

Foreigner Guy 1: Hey, just a hypothetical sich. Let’s say, you were a girl, and suddenly I gave you a dozen roses on Valentine’s Day. I mean, it’s not us. I haven’t courted you before. Would you take it?

Foreigner Guy 2: You know what, man? If I were a girl and you offered a dozen roses on V-Day, I’d take it. No questions asked. Whether or not I like you, I’d take it.

Foreigner Guy 1: Really? You’d do that for me?

Foreigner Guy 2: No. I wouldn’t do that for you. I’d do that to any guy who’d hand me flowers. I mean, c’mon! I’d be walking down the street with a bouquet of roses in my hands. People would stare at me. Who wouldn’t like the attention?

Foreigner Guy 1: Sweet.

Ang sweet nga ‘no? Sana dumating ‘yung panahong ganu’n na talaga makipag-usap ‘yung mga lalaki sa kapwa lalaki. Walang kaisyu-isyu sa katawan. Siguradong-sigurado sa kanyang pagkatao. I think. Sana.