Predistortion

by Sankage Steno

Maraming bitter na single ngayon ang unknowingly e ina-apply ang electronics engineering concept ng predistortion sa kanilang sarili as a form of defense mechanism. Oops, sorry. Gawin na lang nating coping mechanism para naman hindi masyadong negatibo ang dating.

Ayon sa Wikipedia, predistortion is “a technique used to improve the linearity of radio transmitter amplifiers.” Para sa mga hindi engineers na tulad ko, simple lang s’ya: Kailangan ang technique na ‘to para ‘yung nasasagap na signal ng radyo o cellphone natin e malinaw at hindi garalgal o hindi tumalon sa ibang frequency.

In essence, nagpapasok ka ng “inverse distortion” o “baligtad na yupi o sira” sa amplifier para kung may pumasok mang input na yupi o sira sa nasabing amplifier (which is likely to happen) e maka-cancel out na agad.

Anong kinalaman nito sa mga bitter singles sa araw na ito?

I’ll give examples.

Kagabi, habang nagsasayang ng oras sa Facebook, marami akong estudyanteng nag-post ng ganitong status:

Ambilis talaga ng araw, Feb. 15 na agad bukas.

Kahapon ‘yon, so dapat Feb. 14 ‘yung date. It’s a feeble attempt to be witty, pero ang gusto lang naman talaga nilang sabihin e wala silang ka-date ngayong araw or wala silang lovelife. Zero. Zilch. Dinadaan na lang nila sa joke ‘yung kanilang pagiging sawi sa larangang ito.

Here’s another example:

May ilang singles ngayon (o kahit couple) na sinisiraan ang okasyon sa pagsasabing it’s a byproduct of capitalism, a sick form of commercialism, isang imbentong pagdiriwang para lumaki ang kita ng mga florist, chocolatier, restaurateur, hotelier, etc.

See? Sinisiraan nila. Inuunahan na nila ng yupi o distortion para nga naman hindi na masabing wala silang ka-date, o kung may ka-date man sila, para hindi na sila mag-celebrate at nang makatipid. Sino nga naman ang may gustong gumastos kung hindi naman birthday o Pasko? Sayang lang ang pera, so siraan na lang ang V-Day.

And here’s the quintessential example ng electronics engineering concept na nabanggit ko:

Happy Single’s Awareness Day!

This is (or was) actually witty, kundi lang naging gasgas at palasak na dahil sa dami ng gumamit at gumagamit pa magpasahanggang ngayon. It’s self-explanatory so I don’t have to elucidate the statement to you.

Sa lahat ng nabanggit kong halimbawa, did you see the predistortion? Obvious ba? Sabi sa ‘yo e. And why not? Di ko naman sinasabing masama s’ya. Sabi nga ulit sa Wikipedia, predistortion is “a cost-saving and power efficiency technique.”

Kaya naman pala. Akalain mong marami palang engineers sa atin na nag-e-exist sa mundo. Rather, let me correct myself, may alam din pala sa usaping puso ang mga engineer. Yes, kung makapag-stereotype naman ako, parang hindi ako single. Wushu!