Para sa mga bobong hukom ng SC

by Sankage Steno

Wala akong “Atty” o “Judge” sa umpisa ng pangalan ko, at hindi ko rin kabisado ang mga batas sa bansa, pero nakakaintindi naman ako ng mga nababasa at naririnig ko lalo na du’n sa mga taong may alam talaga sa ganitong mga bagay.

For starters, kasado na ang Cybercrime Prevention Act of 2012, at idineklara ng SC na constitutional ang online libel. See the news here.

Kaya naman hindi ko ma-gets kung ano ba ang hindi maintindihan ng mga kapitapitagang hukom natin sa Korte Suprema sa nakasaad sa Sec. 4, Art. III (Bill of Rights) ng 1987 Constitution.

Isang araw ko lang pinag-aralan ‘to sa Mass Media Law course sa UP pero nakuha ko naman agad. Sauladong-saulado ko ‘to dahil ipinilit talaga ng prof namin na kabisaduhin ‘to for future reference. I guess that future is now. (Thanks to Prof A. Hindi ko sasabihin ang tunay n’yang pangalan dahil baka madamay s’ya ‘pag kinasuhan ako dahil sa blog na ‘to.)

So, ngayon, bakit kung sino pa ‘yung nagtapos ng Law at may mahabang karanasan sa batas e sila pang hindi makaunawa sa provision na ‘to?

Ipapaalala ko lang sa mga matatandang ‘to in case nakalimutan nila:

No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances.

I’m sure naman nakakaintindi kayo ng English, mga kagalang-galang na hukom. Alam n’yo naman sigurong malinaw na nakasaad sa basic law natin na walang batas na magpapahina o magtatanggal sa malayang pamamahayag ang dapat ipasa ninuman. Napakalinaw ng salita, “No law shall be passed…”

Mahirap bang intindihin ‘yon?

Mas matatalino kayo sa ‘kin, kaya alam kong gets n’yo ‘yon. Ang tanong ngayon, bakit kasama ang libel sa Revised Penal Code? Bakit s’ya kinokonsiderang krimen? At bakit dineklara n’yong constitutional ang online libel provision sa Cybercrime Act? E malinaw pa sa mga mata n’yo ‘yung nakasulat sa Konstitusyon natin a?

Mga bobo.

‘Yan lang ang naiisip kong salita para sa inyo. Alam n’yo namang hindi dapat, ginawa n’yo pa rin. Alam n’yo namang mali, hinayaan n’yo pa rin. O di ba kabobohan na ‘yon?

Pero hindi ko naman, syempre, hahayaang ako lang ang magsasabi sa inyo ng bobo. Give and take dapat. Kung sa tingin n’yo e mali ako, e di ipamukha n’yo sa ‘king mali ako sa pagkakaintindi ko. I know truth is not absolute, and freedom of speech, much like any other forms of freedom, has its limitations, pero I still don’t see the logic para hayaan n’yong makalampas ang libel (or online libel) at ituring na kriminal ang lahat ng gagawa nito.

Ano? Kapag nagpahayag ako ng opinyon o saloobin ko at hindi n’yo nagustuhan, o sa tingin n’yo e nayurakan ang inyong pagkatao o reputasyon, kakasuhan n’yo agad ako at ituturing na kriminal? Ihahanay n’yo ko sa mga rapist, mamamatay-tao, durugista, magnanakaw, mandarambong? Dahil lang sa nagsabi ako ng “di maganda,” kriminal na agad ako?

Mabuti pa pala ‘yung mga nakikiapid o nangangaliwa. At least sa kanila, civil case lang. E ‘yung magsabi ka lang ng di kaaya-aya, libel agad, a criminal offense. Panalo. If this is freedom of speech, well, it comes at much too high a cost. Baka kulangin ‘yung napanalunan ko sa game show before para bayaran ‘to.

Kaya susubukan kong paikiliin ‘yung Sec. 4 ng Bill of Rights. Baka kasi nahihirapan nang magbasa ‘yung mga hukom natin e.

No law shall be passed abridging the freedom of speech…

Ayan ha, pinadali ko na. Ngayon kung hindi n’yo pa rin naiintindihan kahit tinagalog ko na kanina at pinaikli, gagawin ko pang mas malinaw para sa inyo. Kakahiya e. Dami n’yong name extensions, wala namang silbi.

No law shall be passed…

Malinaw na ba? Hindi pa rin? Bobo talaga. Heto, paikliin pa natin.

No law…

Ayos na? No? Aba naman. Grabe palang makabobo ‘yung kapupukpok ng gavel. Pati yata utak n’yo naaalog nang husto. O eto last na paikli ko na ha? Ipasok n’yo d’yan sa inaagiw n’yong kokote ang dapat sana e nu’ng college n’yo pa naintindihan. Napakalinaw ng sinabi sa Konstitusyon natin:

No…