Panggulong Bongbong Marcos

by Sankage Steno

Sa isang taon, maglalabas na ng ad campaigns ang kampo ni Senator Bongbong Marcos para sa plano n’yang pagtakbo bilang pangulo ng Pilipinas. Hindi ko sinasabi ‘to as a fact but as a mere interpretation of his deeds in the past few years. Tanga na lang siguro ang naniniwalang walang balak na muling maupo sa Malacanang itong mga Marcoses.

Kung mangyayaring ang karamihan sa mga kabataan ngayon e magiging botante na by 2016, malaki ang tsansang manalo nga si Bongbong. Ang galing kasi ng propaganda nila sa YouTube at Facebook na nagsasabing si Ferdinand Marcos ang pinakamahusay na naging pangulo ng bansa at marami s’yang naipagawa at s’ya ang pinakamatalinong naluklok sa palasyo.

Sinagot ko nang lahat ng kasinungalingang ito noong isang taon, May 15, sa blog kong dedicated sa mga ignoranteng 90s kids. Ayokong ulitin ang sinabi ko na noon. Magbasa ka na lang kung di mo pa nababasa. ‘Wag kang bobo at tamad, dahil kung bobo at tamad ka, bobo at tamad ka.

I want to speculate sa mga mangyayari if ever maging pangulo natin ‘tong anak ng pinakakurakot na pinuno ng ating bansa. Magiging kurakot din ba s’ya tulad ng kanyang ama? Pwedeng oo, pwedeng hindi. Ipapapatay at ipakukulong din ba n’ya ‘yung mga lumalaban sa kanya? Pwedeng oo, pwedeng hindi. Muli ba n’ya tayong sisikilin sa pagnanakaw ng ating kalayaan? Pwedeng oo, pwedeng hindi.

Isa lang ang sigurado ko: Makakalimutan ng nakararaming Pilipino ang katarantaduhang pinaggagawa ng pamilya nila noong naninirahan pa sila sa Malacanang.

Sa Ilocos nga lang e, Diyos kung ituring si “Apo” Marcos. Meron pa silang festival na dedicated talaga sa dating pangulo, at may Little Ferdie at Little Imelda pang pa-contest. Ibang klase kung sambahin ang mga Marcos du’n sa hilagang parte ng Pilipinas. Para silang North Korea, kay Kim Jong-Un, minus the military powers.

So hindi ko na talaga alam kung ano ang pinakamabisang paraan para mapaniwala ‘tong mga taong ‘to na hindi karapatdapat maging pangulo si Bongbong. Lalayo pa ba ako? Sa ‘min nga lang hirap na ‘ko. Lumaki kasi ako sa angkang secretly ay iniidolo si Marcos. Ilang beses ko nang narinig sa mga matatanda sa ‘min na nu’ng Martial Law years, payapa raw ang paligid, disiplinado mga tao, mura lang ‘yung mga bilihin, atbp.

Well, I’m not them.

Para sa generation na di inabutan ang EDSA 1 at Martial Law, kabilang na ‘ko du’n, makakatulong siguro sa pagkumbinse sa kanila kapag sinabing mawawala na ang Facebook, Twitter at Instagram kapag naging pangulo si Bongbong.

Pero ‘yun ay kung muling tatanggalin (legally or otherwise) ‘yung freedom of speech.

May isa pa ‘kong alam na maaaring mawala kapag naging pangulo si Marcos. Ang tagal na nitong nasa harapan ko pero ngayon ko lang napansin. Hindi ko alam kung eepekto ‘to sa younger generation, pero almost 100 percent sure akong kapag presidente na si Bongbong, hindi na magiging holiday ang Feb. 25, EDSA People Power Anniversary.

Advertisements