Mas mayaman ka ba?

by Sankage Steno

Nilabas na ng Forbes (not the Park) ‘yung taunan nilang listahan ng mga mayayamang tao sa mundo, at hindi na naman nila ako isinama. Taraglis lang. Kahit sa listahan ng mga Pinoy na mayayaman hindi ako nakasama. Sure akong may mali sa criteriang ginagamit nila kaya lagi na lang akong fail ma-include sa list nila. Lecheng buhay ‘to.

Para sa hindi pa nakakabasa ng balita, here’s the link: Forbes’ 10 richest in PH 2014

Medyo misleading lang ‘yung balita ng Inquirer. Hindi naman yata mga Pilipino ‘yan. Parang puro Tsino at Espanyol ‘yung nababasa kong pangalan (See image below.). At tsaka bakit pera lang ‘yung sukatan nila ng yaman? And what if hindi ko naman talaga pinangarap maging mayaman sa pera kundi sa ibang bagay?

Fine, I’m barking at the wrong dog, pero I still think na dapat gumawa rin ang Forbes o ‘yung kung ano pa mang institusyon d’yan ng listahan ng mayayamang tao using a different set of parameters. Ito ‘yung mga naiisip kong dapat isama sa survey para malaman kung talaga bang mayaman ‘yung tao:

  • Number of close friends (not on Facebook)
  • Relationship with family
  • Stress level
  • Income minus fairly and honestly computed tax
  • Travels (business trips not included)
  • Number of times one laughed or smiled in a day
  • Philanthropy / Charitable works

Tae. Mukang imposible namang i-measure ‘yung mga nilagay kong criteria, pero sa tingin ko kung d’yan ibabase ‘yung yaman ng tao, mas magiging close to truth talaga ‘yung definition ng ‘mayaman.’ Ang problema kasi sa mundong ‘to, laging pera ang nasa utak (kung meron mang utak na pinapagana). It’s all about the money, money, money.

Buti pa si Jessie J (or ‘yung nagsulat ng kanta n’ya), medyo gets ‘yung gusto kong sabihin.

Oh well, at least ‘tong mga nasa listahang ‘to e nakakapagbigay ng trabaho sa maraming tao, kahit pa halos slave na ‘yung turing sa iba. I should know! May mga kaibigan akong nagtatrabaho sa mga kumpanyang hawak ng mga taong ire. Sa nasa numero uno pa lang e, alam na alam na ‘yung dami ng empleyado nila, not to mention its culture in the workplace.

Sa ibang blog ko na lang tatalakayin ‘yung sinasabi kong culture. Baka makasuhan pa ‘ko ng online libel.

Basta umaasa pa rin akong makakasama ako sa listahan ng mga pinakamayayamang tao sa mundo. Hindi ko naman ipipilit ‘yung sarili kong criteria, pero I’ll use that for myself. Kanya-kanyang yamanan naman ‘yan e. Nagkataon lang na hindi puro pera ang basehan ko ng kayamanan.