Bash Wednesday

by Sankage Steno

Hindi pa ‘ko nag-aalmusal kaya mainit ang ulo ko ngayon. I-touch mo, mainit talaga. Pero, seryoso, nakakabwisit ‘yung mga balitang nabasa ko ngayong umaga. Well, what’s new? Putek talaga. Uumpisahan ko na ang pamba-bash ngayong Ash Wednesday.

And I don’t mind kung makasuhan ako ng online libel. Babalik din naman tayong lahat sa alabok. Konek?

Fernando Suarez

Pinag-uusapan pa lang namin s’ya ng kaibigan ko kagabi dahil, sa totoo lang, hindi ko s’ya gusto. Tapos ngayon may balita sa kanya ang Inquirer na mukhang pasabog kasi first of series ‘yung nakalagay.

Sa mga hindi nakakakilala sa kanya, si Fr. Suarez ay isang healing priest. Meron s’yang malaking banner sa Trinoma kasi nagmimisa s’ya du’n. Ewan ko lang kung meron pa rin hanggang ngayon. Isa sa mga nagawa n’ya ay ang bumuhay ng patay sa Canada. Ang galing, di ba? Parang si Jesus Christ lang kay Lazarus.

Pero di ko s’ya talaga gusto. Nakasalamuha ko s’ya nu’ng minsang may i-cover akong event sa Manila Polo Club. Event n’ya. Meron s’yang Tennis Open para sa mga pari. At kitang-kita ko roon ang pagiging social climber n’ya. Bihira akong magkamali sa impression ko sa mga tao, at hindi lang ako ang nakapansin sa pagiging “alta” nitong paring ‘to.

‘Yung kaibigan kong kausap kagabi, sabi n’ya banned daw si Fr. Suarez sa maraming diocese dahil nga sa kwestyonable n’yang pagpapagaling. Isa pang dahilan ay ‘yung magarbong pamumuhay n’ya at sources of money. Parang pinagkakakitaan n’ya ‘yung “gift” n’ya sa pagpapagaling. Na-witness din ito ng isa kong kaibigan nang i-cover naman n’ya ‘yung inauguration ng pinatayong simbahan ni Suarez sa Ilin Island sa Occidental Mindoro.

Ngayon may isyu sa kanya tungkol sa dinonate na lupa ng San Miguel Corporation sa kanyang foundation. Parang Napoles the second lang ang peg. Papadaanin ang pera sa foundation, tapos… alam na! Haynako, gudlak na lang talaga. Naturingan pa man ding pari.

I bash you, Fr. Suarez, in the name of your lesser god.

Cristina Enrile

Asawa ng dating alipores ni Marcos at ngayo’y sangkot sa pork barrel scam na si Juan Ponce Enrile. Kahapon e ininterview s’ya ni Winnie Monsod sa programa nito sa GMA7, Bawal ang Pasaway, at may pasabog din ang babaeng ‘to. ‘Yun nga lang, hindi ‘yung pasabog na inaasahan ng lahat.

Sabi ni Cristina, may 38 mistresses daw si Juan Ponce, at isa na rito ‘yung dating chief of staff n’yang si Gigi Reyes. What’s new? E karamihan naman sa mga lalaking nag-aasawa, at one point in their marriage, e mangangaliwa at mangangaliwa ‘yan. It’s in the genes, I guess. At ano naman sa ‘kin kung marami s’yang babae? Dafuq.

Eto ang pinakamatindi: Itinanggi ni Cristinang may kinalaman ang kanyang asawa sa pork barrel scam. Womanizer daw si Juan Ponce pero hindi thief. Dineny din n’ya ‘yung involvement ng kanyang asawa sa smuggling sa Cagayan port. Haynako, pag-ibig nga naman. E di sige inosente na kayong lahat. Ako na ang may sala. Ako na ang nagnakaw sa kaban ng bayan. Ikulong n’yo na ako, please!

I bash you, Cristina and Juan Ponce, in the name of your lesser god.

Vladimir Putin

Ano ‘to, Cold War na naman? Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng utak ng mga diktador at makapangyarihang tao. Wait, naiintindihan ko pala, pero hindi ko lang masakyan dahil magkaiba kami ng mundong ginagalawan.

Siguro naman may alam ka kahit papa’no sa kaguluhan sa Crimea? Wala? O, eto, kung tayo ay may conflict sa China over some islands sa West Philippine Sea, ganu’n din ang Ukraine at Russia over the semi-autonomous state island ng Crimea. At, s’yempre, pasimuno ng gulong ito si Vladimir Putin, ang lider ng Russia.

Ang intindi ko sa isyu, sinakop ng Russia ang Crimea because of its strategic location sa Black Sea, yes, ‘yung Black Sea na nababanggit sa Bible. E ang Crimea ay matagal nang bahagi ng Ukraine, at ‘yung mga Crimean mismo ang pumiling umanib sa Ukraine, although maraming nakatira ritong Russians din. Isa pa, self-governing na ang Crimea, so parang ang nangyayari e sinasakop ng Russia ang isang mas maliit at mas mahinang bansa all because of geo-politics.

Mahirap bang intindihin? Magbasa ka.

Sa ngayon, medyo lie low muna dahil hindi raw makikipagdigma ang Russia, ayon kay Putin. Pero, Putin-Ina! Kung hindi makikipaggiyera, bakit may mga sundalo na silang dineploy du’n sa Crimea? At bakit mga pro-Russians na ‘yung nagpapatakbo sa key institutions du’n sa nasabing isla? ‘Pag nagkataon, makikigulo na rin ang NATO forces at baka panibagong digmaang pandaigdig na naman ‘to. Jusko po! Kaya…

I bash you, Vladimir Putin, in the name of your lesser god.

Tengene. Marami pa talaga akong gustong i-bash e, kaso malapit nang umabot sa 800 words ‘tong blog ko. Mahirap at nakakatamad nang basahin lalo du’n sa hindi naman talaga mahilig magbasa. Saka hindi pa rin ako nag-aalmusal, at gutom na gutom na ‘ko! Kapag di pa ‘ko kumain, baka i-bash ko na rin ‘yung sarili ko in the name of…