Ang Sumpa ng Condo

by Sankage Steno

Hindi ‘to ‘yung condo sa BGC kung sa’n binugbog si Vhong. Ang sinasabi kong condo e ‘yung nasa may Boni MRT Station, na ‘yung may-ari ay nagtatago ngayon dahil sa “scam” n’ya with GSIS.

May nagpakamatay na naman kasi kaninang madaling-araw. Isang Koreano ang tumalon mula sa 24th floor, bumagsak sa poste ng kuryente, nalasog ang katawan, saka bumagsak sa EDSA. Ayun, doon na kumalat ang kanyang dugo at laman-loob. Bakit tumalon? Depressed daw dahil walang trabaho.

Narito ang kabuuan ng balita.

Last year, may nagpakamatay ding lalaki rito. Isang teenager naman ang tumalon mula sa 9th floor. Lasing daw sabi ng bestfriend na kasama. Ang kwento, dadaan lang daw sa bintana papasok sa kwarto, pero sa halip na sa kwarto nga n’ya pumasok e tumalon na lang daw bigla at, ayun, bumagsak din sa EDSA.

Here is the news.

Hindi pa tapos ang kwento. The year before that, noong 2012, may isa ring nahulog sa condong ‘to. Hindi naman malinaw ngayon kung nagpakamatay ba ‘to o kung may foul play na naganap. Basta nahulog ‘yung lalaki from the 28th floor. Du’n naman s’ya bumagsak sa canopy ng building sa likod, hindi sa EDSA side.

Basahin mo ‘yung kwento rito.

So lumalabas na every year ay may lalaking hinuhulog mula sa condong ito. Ngayong taon, March nangyari. ‘Yung dalawang nauna ay January pareho. All in all, puro first quarter ng taon nangyayari ang kamatayan ng mga sawing-palad na lalaking ire. Sa totoo lang, nakakaawa na nakakatakot din. Lalo pa’t heto nga ako’t gumagawa ng sariling interpretation sa mga pangyayari.

At nakuha ko pang i-assume na may sumpa ang condong ito sa may Boni.

Oh well, para makumpleto ang kwento, let me give you a short history (or urban legend) tungkol sa condong ito.

Nangyari ito nu’ng ginagawa pa lang ‘yung condo, some years ago, di ko na matiyak ‘yung eksaktong petsa. Ayon sa mga kwento-kwento, meron daw isang jeep na nahulog sa hukay ng pundasyon ng building. Lahat ng sakay ng jeep ay namatay, maliban sa isa. Isang baby.

Nakaligtas ‘yung sanggol, pero di ko alam kung ano na nangyari sa kanya after n’yang makaligtas. Hindi ko rin sure kung totoo ba ‘tong kwentong ‘to. Siguro, kailangan daw talagang mag-alay ng buhay rito taun-taon. For what? Ma at pa.

Ayan, takutin ko raw ba ‘yung sarili ko. Pagdasal na lang natin ‘yung mga namatay at ‘yung mga naiwan nilang mahal sa buhay.