Saan naman napunta ‘yon?

by Sankage Steno

Nagpipyesta na naman ang mga conspiracy theorist ngayon dahil sa misteryosong pagkawala ng Malaysia Airlines Flight 370 noong weekend. Isang oras pa lang nang makalipad ‘yung eroplano nang bigla na lang mawalan ng contact at maglaho sa airspace. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ‘yung aircraft.

See the story here.

Dalawa ang pangunahing teorya sa nawawalang plane. Una, ito rin ang pinakaposibleng nangyari, nag-crash ito somewhere in the middle of the ocean kaya mahirap matagpuan. Kung sa lupa kasi bumagsak, for sure may nakakita na nu’n at nai-report na agad sa kinauukulan. Pero dahil hindi pa rin makita ngayon, kahit ilang bansa ang magtulung-tulong, kasama na ang Pilipinas, hindi pa rin kumpirmadong nag-crash nga ‘yung eroplano.

Ano ngayon ang isa pang pwedeng nangyari? Maaaring kagagawan ulit ito ng mga terorista. Mas gusto kong mangyari ‘to kesa ‘yung mag-crash. Kasi ‘pag ito nga ‘yung nangyari, may tsansa pang buhay ‘yung mahigit 200 taong laman ng aircraft. Ang kaso nga lang, kung terorista ‘to, bakit hindi pa sila nagsasalita hanggang ngayon at humihingi ng ransom or anything? And, wala pa ring nakikitang eroplanong lumapag somewhere.

Kaya ko nasabing nagpipiyesta ngayon ang mga conspiracy theorist. Dahil sa misteryong ito, baka bumuo sila ng panibagong “Bermuda Triangle” sa gawing ito ng mundo. Pwede natin ‘tong tawaging “Chinese Triangle” kasi for sure aangkinin din nila ‘yung parteng iyon ng dagat. Ayan, para walang gulo, kanila na.

Siguro iniisip din ng conspiracy theorists na napunta ‘yung eroplano sa Atlantis o sa isang advanced civilization at pinili na lang ng mga pasaherong doon na manatili for good. If ever mang hindi nila pinili, baka wala silang means para makaalis du’n at makabalik sa mga bahay nila.

Wish ko lang na nakapag-emergency landing sila somewhere in the SEA waters. Tapos para mas adventurous, lahat sila makakaligtas at maka-cast away sa isang uninhabited island, at du’n na magsisimula ang panibago nilang pakikipagsapalaran. Tapos ‘pag na-discover na sila, pwede silang sumali sa Survivor o maging bagong cast ng Lost.

Kidding aside, sana talaga buhay pa sila. Sana talaga in-abduct lang sila ng aliens para pag-eksperimentuhan. Tapos after silang pag-aralan, ibabalik sila nang ligtas sa mundo.

Kidding aside daw?

Nai-imagine ko kung ako ‘yung sakay nu’ng eroplanong ‘yun. Okay lang naman sa ‘king mamatay sa plane crash. At least isang bagsakan lang, patay na, unlike ‘pag sa barko na slow death pa kapag nalunod o kinain ng pating. Ang ayoko lang e ‘yung ‘pag namatay ako, walang bangkay na paglalamayan ‘yung mga mahal ko sa buhay. Walang makakapagsakla. Sayang din ‘yung tong.